Advertisers

Advertisers

3 magsasaka niratrat-patay sa Lanao del Norte

0 11

Advertisers

Tatlong mga walang labang magsasaka ang pinatay ng dalawang lalaki gamit ang M14 at M16 assault rifles bandang tanghali nitong Martes isang liblib na barangay sa Kauswagan, Lanao del Norte.

Kinumpirma nitong Miyerkules ni Major Joe Mark Capitle, hepe ng Kauswagan municipal police, ang pagkasawi nila Undoh Alfante at ng magkapatid na sina Mark at Mike Maglangit.

Unang nilapitan ng dalawang salarin si Alfante habang may ginagawa sa isang orchard farm sa Barangay Inudaran sa naturang bayan at agad na pinagbabaril.



Sa salaysay ng mga saksi, pinagbabaril pa sa ulo ng mga salarin ang nabuwal ng si Alfante bago tumakas.

Pinaputukan din ng dalawang salarin ang magkapatid na mga Maglangit na kanilang nakasalubong habang patakas.

Parehong napatay din agad sa mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang mga katawan ang magkapatid.

Ayon kay Capitle, nagtutulungan ang mga barangay officials sa Inudaran at ang mga kasapi ng Kauswagan Municipal Police Station sa pagkilala sa mga nakatakas na salarin upang masampahan ng kaukulang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">