Advertisers

Advertisers

2 ‘KOTONG COPS’ TIMBOG; HEPE NG TMU SA CAVITE NAKATAKAS!

0 175

Advertisers

KALABOSO ang dalawang pulis at ang isang kasabwat na sibilyan sa pangongolekta ng “payola” sa transport groups nang malaglag sa entrapment operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Martes ng umaga sa may gasoline station sa Bacoor, Cavite.

Kinilala ang mga nadakip na pulis na sina Staff Master Sargeant Joselito Bugay at Staff Sargeant Dave Gregor Bautista na parehong nakalakaga sa Provincial Administrative and Resource Management Unit- PHAS ng Cavite Provincial Police Office, habang ang kasabwat nilang sibilyan ay nakilalang si John Louie De Leon na tumatayong kolektor ng grupo. Nakatakas naman ang hepe ng Bacoor Traffic Management Department na si Edralin Gawaran, na kasama rin sa illegal activities ng grupo.

Sa report ni CIDG Director, Major General Romeo Caramat; kay PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., nag-ugat ang nasabing operasyon laban sa grupo matapos mag-viral sa social media ang ginagawang pangongotong sa transport groups sa Bacoor City ng ilang pulis, at dahil narin sa reklamo ng hindi na pinangalanang complainant.



Ayon sa nagreklamo, nagbibigay sila ng kabouang halagang P135,000.00 sa mga pulis tuwing akinse at katapusan ng buwan, maliban pa sa hinihinge na pagkain galing ng fast food chain na nagsimula buwan ng Pebrero ng taon. Subalit itinaas umano ito ni Sarhento Bugay sa P170,000.00, na kung hindi sila makakapagbigay ay kukunin at papalitan umano sila ng mga bagong miyembro sa kanilang terminal.
Narekober mula sa posisyon ng mga suspek ang 2 P1,000 bill na marked/entrapment money, isang M16 SN RVD 1000301), isang Glock 17 pistol (SN PNP66864), isang Glock 30 Gen. caliber 45 (SN AECL752), 3 magazine para sa Glock 17 pistol,4 magazines para sa Glock Gen 4 cal. 45 pisto, 47 bala ng 9mm, 44 bala para sa CR 45, 3 magazines para sa M16A4, 67 bala para sa 5.56 cal; at 11 assorted cellular phones.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Robbery (Extortion), Violations of Republic Act 10591 at BP 881 (Ominbus Election Code of the Philippines.)(KOI LAURA/
MARK OBLEADA)