Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMI ang naaliw sa latest post ni Sharon Cuneta kung saan sinubukan niyang patandain ang sarili sa pamamagitan ng aging app.
Caption niya: “Sinubukan ko ang isang aging app – OMG kamukha ko Mommy at Mama Helen ko pagtanda ko pa!!!😂😂😂❤️❤️❤️”
Agree naman ang karamihan sa kanyang followers na hawig siya ng kanyang Tita Helen Gamboa at maging ng kanyang Mommy Elaine Cuneta kapag tumanda na siya.
Nakipaghuntahan pa siya sa isang IG follower in fluent Kapampangan.
May nagtanong pa sa kanya kung manonood siya ng concert ng paborito niyang K pop idol na si Tae Min na may K-Magic Live concert sa SM MOA sa Oktubre.
Sey ng Megastar, sana raw ay magkaroon siya ng time.
Sa isang portal kung saan ito nai-share, marami naman ang nag-react sa post ng facial transformation ng Megastar sa hinaharap.
Ito ang ilan sa sey ng kibitzers.
“Naka-tag si KC Concepcion, ibig sabihin, bati na sila.”
“Well and good sa mag-ina.”
“Sana naman mag-usap na sila.”
“Tulad ng sabi ni KC, sana mabalik na ang friendship nila.”
“Hindi namana ni KC ang genes niya. Kaya, siguro mas close si KC kay Gabby”
“Baka mag-iyakan sila pag nagkita sila sa concert.”
“Make up or no make up, wala pa rin namang nagbago sa Mega.”