Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TINAGURIANG The Soulful Balladeer ang dalawang awitin na isinulat ni Dindo Fernandez, ang Akala Ko at Makinig Ka, at na-release nitong 2022 sa Spotify, iTunes, Apple Music at iba pang music platforms.
Saan o kanino siya kumukuha ng inspirasyon kapag nagsusulat ng mga kanta?
“Usually po pag masaya ako, pag very… nasa dagat, ganyan, kumbaga pag talagang wala akong iniisip, hindi po ako makakapag-compose pag may problem ako or anything,” umpisang sinabi ni Dindo.
“Pag wala akong iniisip na problema, asahan niyo merong kanta akong magagawa.”
Nakakahugot din si Dindo ng inspirasyon hindi lamang sa sarili niyang mga karanasan kundi maging sa mga experiences ng kanyang mga kakilala o kaibigan.
“Sa ngayon po hindi na nauubos yung personal experiences ko, madami pa po akong nahuhugot sa sarili ko, but meron po akong mga songs… one song is yung Dapat Mahal, it came from a friend, yung friend ko na sobrang devastated, naghiwalay sila, galing sa kanya yung kanta.”
May paborito si Dindo sa mga kanta na isinulat niya.
“Yun pong unreleased song ko na Bumubuhos, kasi this is a very… it’s reminiscing of my, yung nung bata ako, yung ganyan, it’s reminiscing of childhood sweethearts, parang ganun.
“So napakasaya nung song, it’s a feel-good music, Bumubuhos.”
Naging nominado si Dindo sa Aliw Awards 2022 bilang Best Male Performance in a Concert at Best New Male Artist of the Year.
Regular singer si Dindo sa EF Café & Restaurant sa National Road, Madonna Subd. sa Alanginan sa Batangas City tuwing Sabado ng alas otso gabi.
***
KAPAPANALO lang ni Janine Gutierrez nitong Agosto bilang Best Actress sa 25th Gawad Pasado Awards para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin.
Bilang ama ni Janine, ano ang masasabi ni Ramon Christopher o Monching Gutierrez sa pagwawagi ni Janine ng mga acting award mula sa iba’t ibang award giving body?
“Siyempre sobrang proud ako kay Janine,” bulalas ni Monching. “Talagang mahal na mahal niya yung trabaho niya, napaka-successful din ng Dirty Linen, kaya sobrang proud ako sa kanya.”
Katatapos lamang umere ng Kapamilya serye na Dirty Linen kung saan isa si Janine sa mga bidang karakter.
Nasa tamang edad na si Janine upang lumagay sa tahimik, kung sakaling magpaalam si Janine na gusto na nitong mag-asawa, ano ang magiging reaksyon ni Monching?
Tumawa muna ito bago sumagot…
“Wala naman, okay lang sa akin. Siyempre kung saan siya masaya, dun din ako,”pahayag pa ni Monching sa media conference ng Huling Sayaw nitong August 30 sa Viva Cafe.
Mula sa Camerrol Entertainment Productions tampok din sa Huling Sayaw sina Belle Mariano bilang si Tiffany at Andy Abellar bilang Stephanie.
Nasa pelikula rin sina Mark Herras, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jao Mapa, Zeus Collins, Rob Sy, at Mickey Ferriols.
Ang pelikula ay sa direksyon at panulat ni Errol Ropero na isa rin sa mga producer ng pelikula kasama ang mga executive producers na sina Ronald Allan Guinto, Michael Endaya, Hon. Melvin Vergara Vidal, at Hon. Amado Carlos Bolilia IV.