ENGAGED na si Bugoy Carino sa live-in partner niyang si EJ Laure. Noong mismong birthday ng young actor, September 3, na kanyang debut (21 years old), nang mag-propose siya sa volleyball star.
Sa tanong namin kay Bugoy kung kelan nila planong magpakasal ni EJ ngayong engaged na sila, ang sagot niya,”Hindi ko pa po alam. Siguro, next, next year. Pinagpaplanuhan na namin.
“And ayun, sobrang thankful nagawa ko ‘yung proposal, sinabay ko pa noong birthday ko.
“So ayun, masaya naman. Basta pinagpaplanuhan na namin. Sana hindi maulan para lahat ng imbitahan namin makapunta.”
Church wedding ang gusto ni Bugoy.
Matagal niya bang pinagplanuhan ang proposal niya kay EJ?
“Actually, 3 months bago ako mag-debut,” sagot ni Bugoy.
“Parang naisip ko na..actually hindi ko po naisip, pinag-pray ko, eh.
“Sabi ko, ‘Lord bigyan mo ako ng sign.’ Ayun, binigyan naman ako ni Lord ng sign, na may magsasabi sa akin na magpo-propose ako na kaibigan ko. E, may nagsabi, siguro mga tatlo o lima sila. So ayun na yung sign,” kwento pa niya,
May mga kaibigang celebrites si Bugoy na kukunin niyang mga abay sa kasal nila nI EJ.
“Kasi, like nu’ng proposal ko, ‘yung mga Hashtags (ang all-male group na kasali si Bugoy na ngayon ay buwag na) nandu’n. Tapos yung mga iba pang artista na close ko, nandun din. So ayun, sure ako na may kukunin akong mga abay sa kanila.
“Yung iba, ayaw mag-ninong, gusto lang nila abay,” natatawang sabi pa niya.
Sa grupo nilang Hashtags, si Bugoy ang pinakabata. Pero naunahan niya pang magpakasal ang ibang kagrupo niya rito like Ronnie Alonte na matagal na ang relasyon kay Loisa Andalio.
“Kaya nga po nu’ng nag-propose ako, nu’ng debut ko, na-pressure sila. Sabi nga sa akin ni Loisa,’Uy, pinressure mo naman si kuya Ronnie mo? Ikaw nag-propose na, siya hindi pa,” natatawa ulit na sabi ni Bugoy.
***
MAGKASAMANG dumalo sina James Reid at Issa Pressman sa Preview Ball 2023 na ginanap sa Manila Marriott Hotel, sa Pasay City, noong September 8, 2023.
Nang makapanayam sila ng PEP.ph, tinanong sila kung ano ang espesyal sa kanilang pagmamahalan at kung gaano sila ka-in love sa isa’t isa.
Sagot ni James, “There’s no better way to say it. I’m very in love. I’m very happy.
“The best part about tonight’s that I’m here with Issa.”
Para naman kay Issa, ang pagiging supportive nila sa isa’t isa ni James ang isa sa magandang parte ng kanilang relasyon.
“The best thing, like, the love that we have is we really support each other.
“I have my strengths, he has his, so we just help each other,” sabi naman ni Issa.
Ayon pa kay Issa, ang isa pang kahanga-hanga kay James ay ang pagiging sweet at caring nito, hindi lamang sa kanya kundi maging sa lahat ng taong nakakasalamuha ng boyfriend.
“He’s [James] sweet, he’s very caring.
“I would say, honestly, because he has Careless under his name, some people would think that he’s careless. But honestly, he’s very caring.
“He saves all of his time for his family and people he actually really cares about.
“He’s like a glue to everyone in the office, to his family, and the way that I hear him talk to each member [of Careless] is unbelievable.
“He has so much love,” papuri pa ni Issa kay James.