Advertisers

Advertisers

Foreigner arestado sa droga at acts of lasciviousness

0 69

Advertisers

KALABOSO ang isang foreign national nang mahulihan ng illegal drugs habang naka check- in sa Eurotel sa Brgy. Bungad, Quezon City ng gabi ng Huwebes (Setyembre 14, 2023).

Nabatid sa Quezon City Police District (QCPD) kinilala ang suspek na si Husan Mohamed Hasan Ahmed Alhosani, 49, (Ret. Police officer) nationality: United Arab Emirates, at kasalukuyan naninirahan sa Unit 405 4th floor Eurotel  No. 49 Bulacan St, Brgy. Bungad, Quezon City.



Ayon sa sketchy report ng QCPD Masambong police station 2 bukod sa kasong illegal drugs si Ahmed Alhosani na isang ret. Police Officer ay nahaharap din sa kasong acts of lasciviousness in relation  to R.A. 7610.

Sinabi sa ulat, na dinakip ang suspek 8:00 ng gabi nitong Huwebes (September 14)  sa Unit 405 4th Floor ng Eurotel, No. 49 Bulacan Street Barangay Bungad, QC.

Ipinagharap ng reklamo ang akusado ng complinant na si Rhoda Bulacan Baetiong 34, dalaga, ng Edsa Balintawak Brgy. Apoloniio Samson, QC at umano’y girlfriend ng suspek.

Nabatid sa initial na investigation ng pulisya na ng naturang araw at oras ay ang personnel ng Masambong police station 2 sa pangunguna ni PCAPT. Severino Busa ay nagtungo sa Eurotel hotel sa no. Bulacan St. Brgy. Bungad, QC upang i-validate ang report na binigay mula sa hotline 122 ng isang  Juanito Perez isang BPSO ng Brgy. Bungad dahil umano sa kasong act of lasciviousness at paglabag sa illegal drug activity sa reklamo ng isang Rhoda Baetiong.

Matapos makumpirma ang kinaroroonan ng akusado agad dinakip ang suspek at kasalukuyan ngayon nahaharap sa kaso.  (Boy Celario)