Advertisers

Advertisers

Cong. Arjo nominadong best actor sa Asia Contents Award sa Korea; Ria minana kay Mom Sylvia ang husay sa akting

0 120

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN
SI Ibyang supermom? Hindi ‘ata napapagod si Sylvia Sanchez sa kanyang ginagawa, may teyping, inaasikaso ang film exhibition/pagsali sa international film festival na ‘Topakk’ na pinagbibidahan ng kanyang anak na pulitiko, si Congressman Arjo Atayde sa first district ng Quezon City.
Aba, ginawa lang na Divisoria ng mag-inang Sylvia at Cong. Arjo ang pagpunta sa iba’t ibang bansa sa Europa.
Hindi lang ‘yan, film distributor din ang supermom nina Cong. Arjo, Ria, Gela at Xavi dahil may nabili silang Japanese film na “Monster” ang titulo na may playdate na sa ating mga sinehan.
Sinulit nila ang pagbibiyahe sa abroad e, nagustuhan din ni Lorna Tolentino kaya magkasosyo nila ni Ibyang.
Of course, di nababakante ang misis ni Papa Art Atayde dahil maganda ang role niya sa “Senior High,” bilang isang security guard.
Ito bale ang introductory television exposure ni Gela. Swak as in fit ang role niya sa nasabing serye. Si Ria naman sa “Nag-aapoy na Damdamin.” Ang husay ng kanyang akting at masasabi natin na minana niya ang galing kay Ibyang.
Samantala, si Cong. Arjo ay nagpakitang gilas sa “Cattleya Killer,” kung saan nominado siya sa Asia Contents Award as best lead actor bilang agent Anton dela Rosa. Ito’y gaganapin sa Busan, Korea.
Well, positibo naman ang mga supporters ni Cong. Arjo na makakamit niya ang best actor.
***
AVID RAZUL KONTRABIDA NUON..BIDA NA NGAYON
NAANYAYAHAN kami na panoorin ang pelikulang “Lukas,” na tampok si Avid Razul. Nasubaybayan namin ang karir ni Avid lalo’t ang kanyang manager ay ang yumaong pamosong direktor na si Maryo J. delos Reyes.
Kadalasan, pang kontrabida ang mga role niya sa mga teleserye o weekly show either ABS-CBN o GMA7.
May dahilan pa kung bakit tatlo ang screening (Sabado at Linggo) ng Lukas kung saan naka-scheduled panoorin ng mga high school students dahil nagwagi ito ng Best Educational Indie Film of the Year 2022.
Imagine, nai-screened na mahigit na apatnapung beses na may tied viewers sa iba’t ibang high schools sa Caloocan at Quezon City.
Nasabi ko tuloy kay Avid, suwerte marahil ang mahabang buhok niya kaya’t todo ang kinikita nito. Ikaw na ang maging direk Maryo J. protegee..bigatin talaga sa pag-arte.
Kaya nga, ang mga movie producer o TV  producers, kunin ninyo si Avid. Pang bida na ngayon ang dating kontrabida.