Advertisers

Advertisers

Win streak ng UE tinuldukan ng Saint Benilde sa V-League

0 149

Advertisers

TINULDUKAN ng College of Saint Benilde ang five-game winning run ng University of the East (UE) para gawing pormal ang kanilang pagpasok sa semifinal round ng V-League Women’s Collegiate Challenge sa Paco Arena sa Manila Linggo.

Sumandal ang Lady Blazers sa makinang na performance ni opposite hitter Jhasmine Gayle Pascual at outside hitter Jade Gentapa, na bumawi mula sa first-set loss upang mapatalsik ang Lady Warriors, 23-25,25-22,29-27,25-18.

Tumipa si pascual ng 23 points — 20 on attacks – habang si Gentapa nagdagdag ng 20 points,kabilang ang three service aces, para sa CSB na umangat ang rekord sa 4-1.



“We prepared more on the mental side. Kundisyon naman ‘yung katawan nila eh, so ‘yung mindset talaga (We prepared more on the mental side. They are in condition physically, so it’s the mindset),” Wika ni CSB assistant coach Jay Chua.

Middle blocker Zamantha Nolasco at Michelle Gamit nagtapos ng 15 at 14 points ayon sa pagkakasunod, habang outside hitter Corrine Allyson Apostol may 2 blocks,10 receptions at nine digs para sa Lady Blazers.

Outside hitter Casiey Dongallo pinamunuan ang opensiba ng UE sa kinamadang 32 points.