Advertisers

Advertisers

Wanted na Indian nat’l, arestado sa NAIA – BI

0 158

Advertisers

NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) officers ang isang Indian national na wanted sa kasong rape.

Iniulat ng mga kawani ng BI na nakatalaga sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 3 ang pagkakaharang kay Jacob Manoj Paul Chempalakunnil, 50, na nagtangkang lumipad nitong September 8 pasakay ng Jetstar Asia flight patungong Singapore.

Si Chempalakunnil ay inaresto ng mga elemento ng BI matapos na makita ang pangalan nito sa database ng ahensya para sa mga indibidwal na may criminal records.



Ang wanted na dayuhan ay may warrant of arrest na inilabas ng Branch 220 sa Quezon City. Si Chempalakunnil ay pinadarakip dahil sa kasong rape na walang itinakdang piyansa.

Nang makumpirma na ang kanyang pagkakakilanlan, agad na inayos ng immigration supervisors ang turnover nito sa National Bureau of Investigation (NBI) upang agad ding maaresto.

Nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco sa mga wanted na kriminal na magtatangkang tumakas ng bansa.

“As a policy, courts forward to us orders barring the travel of individuals who have a warrant of arrest or a hold departure order,” saad ni Tansingco.

“Upon receipt of orders from courts, we immediately include these individuals in our derogatory record,” pagbabahagi pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)