Advertisers

Advertisers

TSEKWA, ARESTADO SA PAGDALA NG BARIL AT ILIGAL NA DROGA SA OKADA

0 77

Advertisers

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang Chinese national matapos na matuklasan sa pag-iingat nito ang isang baril at iligal na droga na itinago sa loob ng backpack habang idinadaan sa x-ray scanning machine ng Okada Manila, Entertainment City, Barangay Tambo, Paranaque City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director BGen Roderick D Mariano, nakilala ang suspek na si Wan Liang,40 anyos. Siya ay dinakip ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa R.A 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ( Batas Pambansa 881 (Violation of the Omnibus Election Code), at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Naganap ang pag-aresto noong Setyembre 10,2023, ganap na alas-3 ng hapon sa Pearl Entry ng Okada Manila, Entertainment City.



Nabatid na nangyari ang insidente nang matuklasan ng mga security personnel sa regular na bag screening, ang isang baril sa loob ng backpack ng suspek sa pamamagitan ng paggamit ng X-ray scanning technology.

Agad na napansin ng duty physical security officer na si Jayson Casa ang kahina-hinalang bagay sa X-ray at agad na ipinaalam sa kanyang supervisor.

Kasunod nito, iniulat ng Security Officer na si Roosevelt Jaafar ang sitwasyon sa Tambo Substation, na humantong sa isang mabilis na tugon mula sa mga tauhan ng pagpapatupad ng batas.

Sa pag-inspeksyon sa bag ni Liang, nadiskubre ang isang kalibre .45 na kargado ng pitong live ammunition, isang zip-lock transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.77 gramo na may halagang SDP na ?12,036.00, isang zip-lock transparent. plastic sachet na naglalaman ng dalawang pink na tableta na hinihinalang ecstacy na may halagang SDP na ?3,400.00, iba’t ibang identification card at cash money na nagkakahalaga ng ?710.00.

Ang suspek ay dinala muna sa security office at pagkatapos ay dinala sa Paranaque Police -Tambo Substation para sumailalim sa tactical interrogation at sa dokumentasyon habang ang mga kaukulang reklamo ay isasampa laban sa kanya. (JOJO SADIWA)