Advertisers

Advertisers

May bayad ba si Clarkson?

0 269

Advertisers

Ayon sa isang coach ng isang European team ay pare-parehong $300 kada araw ang allowance ng kanilang mga manlalaro na lumahok sa FIBA World Cup.

Oo kasama na raw diyan ang mga cager nilang taga- NBA.

Karangalan daw kasi ang magsuot ng pambansang uniporme sa kanilang bansa.



Ito naman ating naturalized citizen na si Jordan Clarkson ng Utah Jazz iba raw. Noon pa man naging bahagi siya ng Gilas para sa huling Asian Games ay may tsismis na milyones ang suweldo niya.

Ngayong torneo sa limang game at tatlong linggo siya sa Maynila ay hinuhulaan na mas mataas pa sahod niya eka ni Tata Selo.

Natural na malamang may kaakibat pang insurance at mga kasamang alalay dagdag ni Tatang.

Kung ganyan ay baka may pera ding usapan sa kampo ni Kai Sotto at iba pa.

Pwedeng paniwalaan o hindi ang mga ito pero tulad ng sabi ng bench tactician na taga-Europa posible rin na hindi lahat.



Dangkasi may mga kontrata sila sa kanya-kanyang team at kung magka-injury sila sa labas ay hindi sila sagutin. Kailangan din timbangin ito sa desisyon. Dapat tingnan din natin ang realidad. Marami rin taga-liga ni LeBron James ang hindi sumali sa 2023 World Cup. Ilan dito sina Nikola Jokic ng Serbia, Rui Hachimura ng Japan, Kristaps Porzingis ng Latvia, Damantas Sabonis ng Lithuania, Jamal Murray ng Canada at Giannis Antetokounmpo ng Greece. Isali na rin natin sa listahan si rookie na Victor Wembanyams ng France.

Nagbitiw naman ng salita si Ka Berong na kung may budget sa ganyan ang Pinas dapat sa mas malaki at mahusay na kay JC ang kinuha.May punto naman si Kaka dito.

Sana raw kung lokal ang turing kay Jordan ay maaari pa tayong magbayad ng isang bigating basketbolista.

Ano nga kaya ang totoo? Wala naman aamin sa mga iyan. Sikreto yan. Hay naku!

***

Deutschland ang nagkampeon sa World Cup. Dinaig nila ang mga Serbian sa finals. Pero bago sila nagkita sa dulo ay mga Amerikano at Canadian ang binigo nila sa semis.

Nais lang nating idiin na ang European na istilo sa basketball ang tunay na world- class.

Yung maayos ikot ng bola. Halos lahat nakakahawak ng Molten sa opensa. May slasher at may tira rin sa labas kahit big men. Bihira ang isolation play na uso sa sa NBA. Kaya mahihirapan ang mga nagbabantay. Tapos combi pa ng solid team defense din nila.

***

Sa ganda ng laro ni Dennis Schroder sa upset win ng Germany sa USA ay tiyak nagsisisi si Austin Reeves sa pagkawala ng una sa Lakers. Puring-puri ni AR ang dating kakampi sa Los Angeles. Naghantay ang fan favorite sa labas ng dugout ng mga kalahi ni Merkel upang personal na batiin ang kaibigan kahit sila mismo ang tinalo.

Si Dennis nga naman nagkontrol ng tempo ng game tapos may crucial pa siyang tres at dos sa huling mga minuto.

Posibleng nakahabol ang mga Kano kung hindi mautak ang tagadala ng bola ng katunggali. Tapos ganyan din nangyari sa championship vs Serbia.

Ang 6’1 na point guard muli ang bida. Take a bow, Schroder.

Hinayang na hinayang siguro ngayon sina Rob Pelinka at Darvin Ham.

Sana ni-retain na lang nila sa halagang ipinagkaloob ng Toronto.