Advertisers
Arestado ang isang babae na High Value Individual) sa paglabag sa Article 151 of RPC (Resistance at Disobedience to Agent of Person in Authority or Agent of such Person) at Section.11 (Possession of Dangerous Drugs) Art.II of RA.9165 (Dangerous Drugs Act of 2002), at City Ordinance (Smoking in Public Place).
Sa ulat, 1:00 ng madaling araw ng September 11, 2023, nitong Lunes sa King Solomon Street, Brgy 174, Camarin Caloocan City nang maaresto ang suspect na kinilala ni Caloocan City Chief of Police P/Col.Ruben Lacuesta.na si Angela Marie Lumahang y Villamor, 21, ng Agnay San Vicente Ferrer, Blk 1, Duhat St, Brgy 178, Camarin, Caloocan City.
Nakumpiska sa.suspek ang “marijuana na nasa 548 grams na may standard drug price (SDP) value na P65,760.00.
Sa ulat, nagsasagawa ang otoridad ng SS 11 sa pamumuno ni Col. PSSg Toregosa at Pat Caguindagan ng foot patrol, nang makita ang suspek na naglalakad sa lugar na ninigarilyo na.lumabag sa City Ordinance of Caloocan City (Smoking in Public Place). Nilapitan ng mga pulis ang babae at hiningan ng ID subali’t biglang tumakbo, pero nakorner din.
Nang kapkapan, dito na nakuha sa suspek ang 548 grams na nagkakahalaga nang P65,760. 00.
(Beth Samson)