Advertisers
INANUNSIYO ng Malakanyang na walang pasok sa pribado at pampublikong sektor sa Setyembre 8 ngayong taon sa bayan ng Loon sa Bohol.
Ito’y upang bigyang daan ang selebrasyon ng SidlaKasilak Festival o “festival of the lights” kung saan tampok dito ang mayaman at natatanging kultura ng bayan.
Batay sa Proclamation No.315 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, idineklara nito bilang special non-working day ang Setyembre 8 para sa selebrasyon ng nasabing kapistahan.
Ayon kay Bersamin, sa ganitong paraan ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Loon na makibahagi at makiisa sa pagdiriwang. (Gilbert Perdez)