Advertisers
GINAWA ng World No.40 Gilas Pilipinas ang lahat ng makakaya, ngunit hindi naging sapat para tapatan ang angas ng No.10 Italy.
Nabigo ang Nationals sa mga italyano,83-90, sa Group A at nabigong makausad sa second round ng 2023 FIBA World Cup Martes sa Araneta Colesium.
Walang naipanalo ang Gilas Pilipinas sa tatlong laban sa pool play matapos yumukod sa No. 23 Dominican Republic, 82-87, at sa No. 41 Angola, 70-80.
Dahil sa panalo ay pasok na ang Italy, sa second round sa kanilang 2-1 record kasama ang Dominican Republic (3-0).
Kumamada si Fil-Am Jordan Clarkson ng 23 points, 7 rebounds, 6 assists at 1 steal at may 14 at 9 puntos sina Dwight Ramos at Roger Pogoy, ayon sa pagkakasunod.
Ang kabiguan ang nag-laglag sa mga Pinoy cagers sa classification round para sa No. 17 hanggang 32 spot
Pinamunuan ni Simon Fontecchio ang opensiba ng mga Italians sa kanyang 18 points.