Advertisers

Advertisers

Barangay Development Program ‘game changer’ – NTF-ELCAC Exec

0 82

Advertisers

NANAWAGAN si National Security Adviser Eduardo Año nitong Martes (August 29, 2023) sa mga miyembro ng Kamara na patuloy sanang suportahan ang Barangay Development Program (BDP), na kung tawagin ng mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay “game changer.”

Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabing ni Año na ang BDP ang ginagamit n paraan ng NTF-ELCAC sa kampanya nito para wakasan ang lagpas limang-dekadang ng insureksiyon ng mga komunistang-terorista.

Partikular na pinakiusapan ni Año ang Senado at Kongreso na samahan siyang mapa-aprubahan ang budget para sa BDP para sa 2024 na gugulin para 864 barangay na dating hawak ng mga communist terrorist group (CTG).



“I’m appealing to all the members of Congress and Senate to please support us and provide funds for the Support Barangay Development Project for 2024,” ang pahayag ni Año.

Sa isinumiteng budget proposal ng NTF-ELCAC, kada barangay sa 864 na bilang ay paglalaanan ng P10 milyon para sa kaunlaran nito. Base na rin sa hangarin ni Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. na magka-isa na Ang lahat sa bansa at maging “bringers of peace” ito sa mga Filipino. .

Si PBBM ang chairman ng NTF-ELCAC na itinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na ipinag-utosni dating President Rodrigo Duterte noong 2018.

Si Año, na tumatayong co-vice chairman kasama si Vice President Sara Duterte ng NTF-ELCAC, ay nagsabi rin na masasayang lamang ang ginugul na panahon ng task force sa pakikipag-laban nito Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“It’s not only that we’re going to uplift the lives of our people in those isolated barangays once under the influenced by the CPP-NPA, but we’re now at this point of history that we’re really have to (eliminate) this insurgency and finally we will have a peaceful country,” ani ni Año.



Para naman kay Department of Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan, na namumuno sa NTF-ELCAC Basic Services Cluster, ang hinihinging pondo para sa BDP ay hindi napupunta o nahahawakan man lang ng task force. Ito ay direktang binababa sa mga Local Government Units (LGU) na nakakasakop sa mga barangay. Malaking kasinungalingang aniya ang ipinakakalat ng Makabayan bloc sa Kongreso na isa itong “pork-barrel”.

Ang sabi pa ni Iringan, magmula ng itatag ang NTF-ELCAC 3,878 barangay na Ang mababaan ng pondo ng BDP na ginamit ng mga residente sa kanilang pangunahing pangangailangan.

“773 kilometrong farm-to-market roads ang nagawa sa iba’t ibang barangay, nakatulong ito ng malaki sa mga residente para i-trasport ang kanilang mga ani sa mga palengke,” paliwanag ni Iringan.

Sa panig naman ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., na nagsabing ang BDP ay isang “game-changer”, ang NTF-ELCAC aniya ay may mandating pagka-isaisahin o’ “harmonize” ang mga pagsisikap ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan para alalayan ang mga komunidad at mga barangay na hinaharap sa panganib na makupkop ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

“Pinalalakad ng BDP ang mga residente ng mga barangay na ito dahil sila mismo ang pumipili kung saan gugulin ang pondo,” ang sabi ni Torres at pinagduiinang, ang BDP ay nakapag-bago ng mga buhay ng tao sa mga barangay na dating pinipeste ng CPP-NPA-NDF.

Si NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, naman ay kinastigon ang ACT party-list, na bahagi ng Makabayan Bloc, sa pananakit nitong i-impeach si Vice President Sara na siya ring Kalihim ng Department of Education (DepEd).

“Si Duterte ay co-vice chair din NTF-ELCAC at sumusuporta sa laban na wakasan na ang CPP-NPA-NDF. Dapat ang gawin ng ACT ay talagang gumanap na representante ng mga guro, na siyang pangunahing nilang pinangalandakan noong sila ay nangangampanya para iboto ng tao,” ang sabi ni Malaya.