Advertisers

Advertisers

Kyle di bet ang bilmoko girl; Andrea, trinaydor na ng kaibigan

0 159

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA bagong entry sa kanyang vlog, sumailalim sa “Who’s Most Likely”challenge sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri.
Ani Andrea, masaya raw siya na nakapag-vlog sila ulit ng kaibigan pagkatapos na magkaroon sila ng some form of disconnection.
Sa tanong kung sino sa kanila ang most likely na maka-miss ng flight, aminado si Andrea na siya iyon.
Katunayan, nangyari na raw iyon sa US tour nilang dalawa.
Late na raw siyang mag-impake dahil naasikaso niya ito on the night bago ang kanilang lipad sa Tate.
Sa katanungan naman sa kanila kung sino ang malaki ang tsansa na ilaglag, mag-back stab o mag-traydor sa kaibigan, sinabi ng actress na walang iba raw ito kundi si Kyle na idinenay naman ng actor.
Ani Kyle, hindi raw niya ugaling mag-traydor o magsalita nang masama sa likod ng kaibigan.
Pagtatanggol pa niya, kung ano raw ang sinasabi niya sa harapan ay iyon din ang kuda niya kapag talikuran.
Kilala raw kasi siyang prangka at sinasabi kung ano ang nasa isip niya sa kanyang mga kaibigan.
Pero sa ngayon daw ay gentle na siya at nag-mature na.
Bumawi naman si Blythe at sumang-ayon sa iginigiit ni Kyle.
Sey naman ni Andrea, isang mapagkakatiwalaang kaibigan daw para sa kanya si Kyle sa pagkakakilala niya.
Sa kaso naman ni Blythe, naranasan na raw niya na trinaydor siya ng kaibigan.
Hirit pa niya, sa kanilang dalawa ni Kyle, siya rin daw ang most likely na i-fake o pekein ang kanyang pagkamatay.
Pumasok daw ito sa isip niya noong kinukuyog siya ng bashers para raw naman ma-guilty ang kanyang detractors.
Gayunpaman, never daw niya itong gagawin.
Ayon pa kay Andrea, siya rin daw ang tipong hindi makikipagbalikan sa ex sa kanilang dalawa ni Kyle.
Sa question naman, kung sino ang most likely na mauuna sa kanilang mag-asawa, bulalas ni Andrea siya raw iyon sa kanilang dalawa ng actor-dancer.
Siya raw kasi iyong tipong dreamer o hopeless romantic type na pangarap na bumuo ng pamilya.
Sa query naman kung sino sa kanila ang most likely na sumagot sa basher, inamin ni Andrea na nagawa na niya ito.
Pareho raw naman silang most likely to apologize for their mistakes.
Most likely naman daw naman na maging crappy partner si Kyle ayon kay Andrea.
Crappy boyfriend in the sense na hindi cheater kundi iyong tipong dyowang nagkukulang ng panahon sa kanyang girlfriend.
Independent daw kasi ito at ang bet sa girlfriend ay iyong tipong low-maintenance o di ‘bilmoko’.
Pagtatanggol naman ni Kyle, hindi raw puwedeng masabi ito ni Andrea dahil nagbabago ang tao kapag na-in love na siya.
Sina Kyle at Andrea ay magkasama sa seryeng “Senior High” na pumalit sa naiwang timeslot ng “Dirty Linen.”