Advertisers

Advertisers

KATHRYN CHILL LANG SA PAGSOSOLO KAHIT WALA ANG LABS NA SI DANIEL

0 150

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

CHILL lang ang byuti ni Kathryn Bernardo and not worrying much para sa loveteam nila ng real life boxpren na si Daniel Padilla kahit matagal na silang hindi nagsasama sa teleserye at pelikula.
Naniniwala si Kathryn na matured na rin naman ang kanilang mga tagahanga sa desisyon nila ni DJ na magkanya-kanya muna at mag-try ng mga bagong project na mas maggo-grow sila as solo artists.
Kung matatandaan unang movie na ginawa niya less Daniel as her loveteam ay ang “Hello, Love & Goodbye” at ngayon nga ay ang pinakabagong pelikula ni Kathryn under Star Cinema na kasama niya ang internationally-acclaimed actress na si Dolly de Leon.
“Hindi ko ‘yun iniisip (maaapektuhan ang KathNiel loveteam), kasi iba na ‘yung sitwasyon natin. Basta lalabas sila sa sinehan at pag-uusapan ‘yung movie, idi-discuss ‘yung mga opinion nila, ‘yun masaya na kami. More than that hindi ko na iniisip,” sabi ni Kathryn.
Maging chill din kaya sa takilya ang new movie ni Kathryn with Dolly?
***
‘LOLO’ MARTIN NIEVERA AT ‘LOLI’ POPS FERNANDEZ MAY APO NANG BOY
KAMAKAILAN ay inilabas sa vlog ni Concert Queen Pops Fernandez sa kanyang YouTube channel ang video ng gender reveal ng first baby ng panganay na anak nila na si Robin Nievera. Naganap ang gender reveal sa Amerika habang nagba-bonding ang estranged couple na sina Martin at Pops with their children na sina Robin and Ram Nievera.
Certified lolo’t lola na sina Concert King and Queen, ha?!
But wait, ayaw patawag ni Pops ng lola. Instead, mas preferred ni Pipay ang tawag sa kanya ay “Loli” kesa sa lola. Why “loli?”
Ayon kay Pipay, galing daw sa pagkaing “lollipop” ang Loli since ang name niya ay Pops. Kaya ‘pag pinagsama, “Loli-Pops” ang kalalabasan.
Pero parehong nalungkot sina Lolo Martin at LoliPops sa gender ng baby ni Robin. Gusto kasi nila ng baby girl ang kanilang first apo. Sabi ni Martin, “We have so many boys (in the family).”
Pero nahismamasan din agad si LoliPops. Okey na rin sa kanya ang boy basta ang importante healthy ang baby.
Nagmistulang ‘towel boy’ si Martin habang nag-e-enjoy sa slides ang kanyang ‘pamilya.’
***
ELLA ECKLUND KUWENTO PA MORE
“ANG Mga Kwento Ni Ella” na pinagbibidahan ni Ella Ecklund at likha ng Cinemyr Films & RLTV Entertainment Production na pinangunahan ng dalawang magagaling na direktor na sina Direk Edmer Guanlao at Direk Ronald Abad, miyembro sa Kapisanan ng Direktor ng Pelikulang Pilipino (KDPP), ay isa sa mga successful digital series na mapapanood sa Facebook at YouTube na patuloy ang pamamayagpag sa Social Media Movies, na may apat (4) na iba’t ibang istorya ng buhay, na talaga namang tatagos sa inyong puso at maiiyak sa mga nakakaantig na istorya ng buhay pamilya.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Executive Producers na sina Ms. Eula Guanlao, Ms. Marietta Abud Ecklund and Mr. Gordon Ecklund Jr.
Over a hundred million combined organic views na ang Series na Cinekwento Produced by Cinemyr Films kung saan mapapanood ito sa Cinemyr Films official Facebook page at sa kanilang official YouTube Channel.
Ang Cinekwento ay anthology film na produced mismo ng Cinemyr Films sa panulat at direksyon ni Direk Edmer na owner din ng Cinemyr Films.
Sinimulan ang Cinekwento last January 2022
. Sa hangaring makapagbigay ng libre at mga de kalidad na panoorin para sa ating mga kababayan. Mahirap sa simula dahil prodyus mismo ito ng Cinemyr Films at ni Direk Edmer. Pero dahil sa pagtitiyaga ay nagbunga, over million views ang bawat episode na inilalabas at nasa 563,000 followers na ang kanilang official Facebook page na Cinemyr Films at 277,000 subscribers naman sa Youtube.
At ngayon sa isang malakihang collaboration ang mangyayari between 2 productions, ang Cinemyr Films at RLTV Entertainment
Production, para sa mas pinaganda at espesyal na mga episodes ng “Ang mga Kwento ni Ella”.