Advertisers
Ni BETH GELENA
VERY vocal si Judy Ann Santos na gusto niya makatrabaho ang aktres na si Charlie Dizon.
Bilib daw siya sa acting ability at malayo pa raw ang mararating nito sa industriya.
Napanood daw kasi ni Juday ang trailer ng movie ni Charli, ang Third World Romance, at na-impress siya sa acting talent ng young actress.
“Charlie Dizon. Narinig ko siya and I saw the trailer of her movie. Mahusay na bata, malayo ang mararating nito,” pagbabahagi ng aktres.
Hindi raw malayong sumikat nang husto si Charlie at maging superstar sa kanyang henerasyon kung mabibigyan ito ng tamang proyekto at guidance na kailangan niya.
“Magabayan lang nang tama at mabigyan lang ng tamang projects. Malayo mararating niya.
Hindi lang si Dizon ang gusto niyang makatrabaho kundi sina Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, at Joshua Garcia.
Nagbigay din ng advise ang aktres sa mga New Gen Z actors.
“Nakakatuwa na ang dami talagang mahuhusay na bata. Nararamdaman mo yung depth ng acting nila, kung gaano sila ka-involved sa projects nila. Gusto ko rin sabihin na wag masyadong involved.”
“Enjoyin niyo lang muna ito na artista kayo kasi darating talaga ang punto sa karera ninyo na pwede kayo maging super involved pero ngayon, namnamin muna nila yung bawat proyekto na dumadating kasi andaming magagaling na writers [at] directors,” dagdag pa ni Juday.
***
Deadma sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie
SHARON MASAYA SA DATE NILA NI KIKO
HANGGANG ngayon ay hindi pa nagre-reak si Shaton Cuneta sa viral isyu sa pagitan ng kanyang mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan at sa mega daughter nila ni Gabby Concepcion na si KC.
Instead, may post siyang larawan nila ni Kiko na kumakain sa isang restaurant at may caption na “date night.
Despite everything happened, masaya ang Megastar na masaya silang nagdi-date ng husband.
Ibinahagi ng singer-actress ang ilang larawang kuha nila ni Kiko sa restaurant.
“Date night! Just us two habang day-off.”