Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA isang interview ni Coleen Garcia, sinabi niya na nakaka-recover na siya ngayon matapos makaranas ng mental health issues nitong nagdaang tatlong taon.
Ayon kay Coleen, hindi naging madali para sa kanya ang pinagdaanang challenges mula nang ikasal sila ni Billy Crawford hanggang sa dumating sa buhay nila ang panganay na anak na si Amari.
Sabi ni Coleen,”I was left behind talaga for the past three years. My mental health and everything took a backseat. So, now, I’m finally recovering.”
“Amari already allows me to work. I tell him, ‘Mommy’s gonna go to work.’ I think the almost three years that I spent with him, I really bonded with him and it helped,” aniya pa.
Talagang isinakripisyo raw ni Coleen ang kanyang showbiz career para mag-focus sa pagiging nanay at misis ni Billy. Mas naging mahirap pa raw para sa kanila ni Billy ang lahat dahil isinilang si Amari noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“I think those three years were very important for me to realize that this is all I need and everything outside is a bonus para mas ma-enjoy ko kasi I feel like before I was thinking of everything way too seriously.
“And sometimes, when it happens, especially in the public eye, you get a lot of comments and we get a lot of bashing and everything, and sometimes it hurts.
“It’s like those years just with my family, that’s when I realized na ito pa lang masaya na ako. So whatever is outside plus na lang yun, walang minus,” aniya pa na ang tinutukoy ay ang pagbabalik niya sa larangan ng pag-arte.
***
ISA ang magaling na komedyante na si Gary Lim sa mga bida sa pelikulang The Blind Soldiers mula sa Empowerment Film Production. Gumaganap siya rito bilang isang mangmang na sundalo.
Ang direktor ng The Blind Soldiers ay sina Marinette Lusanta at CHED commissioner Ronald Adamat, na introducing, at isa rin sa limang bida sa nasabing pelikula.
Bukod kina Gary at CHED commissioner, ang tatlo pang bida sa The Blind Soldiers ay sina Long Mejia, Bong Cabrera at Soliman Cruz.
Ang pelikula ay true-to-life story at set during the Japanese invasion of the Philippines.
Sa tanong kay Gary kung ano ang mga realization niya pagkatapos gawin ang The Blind Soldiers, ang sagot niya,”Na-realize ko na importante pa rin na ibahagi ang isang history sa mga tao, para malaman nila kung anong nangyari, ‘yung truth in the past.”
“Sa buhay natin, kahit ganito man tayo, kung nasaang antas man tayo sa buhay natin, it’s really a big deal. Na parang ‘yung mga nakaraan natin gamitin natin sa tama at dun natin titimbangin, igi-gauge,” aniya pa.
Ang The Blind Soldiers ay isa sa finalists sa Saskatchewan International Film Festival 2023. Ipalalabas ito sa SM Cinemas nationwide sa September.