Advertisers

Advertisers

Bela napagkamalang gaka sa kasal ni Lovi Poe sa UK

0 467

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALANG mag-aakalang matalik na magkaibigan sina Bela Padilla at Lovi Poe.
Nagulat kasi ang netiizens na nandun si Bela sa kasal ni Lovi sa mister na ngayon na si Monty Blencowe na nakabase sa UK.
Inakala ng ilan na sisilip lang si Bela sa kasalang Lovi at Monty.
Pero isa pala si Bela sa mga imbitado sa naganap na kasalan.
Noon pa man bago pa ang wedding nina Monty at Lovi ay inihayag na nito na mga piling kaibigan lang na close sa aktres ang makakasaksi sa kanyang kasal.
Kaya naloka ang netizens nang makita si Bela at napagkamalan tuloy na gaka or gate crasher.
Super matalik palang magkaibigan sina Bela at Lovi.
Matatandaang naging second choice si Bela nang tanggihan ni Lovi ang serye na Love and Lies noong 2013. Noon pa pala ay mag-bff na sila na hindi naman yata nabalita.
Isa pang friend ni Lovi na si Heart Evangelista ay tinatanong ng netizens kung bakit wala sa kasal nito.
***
Marian Rivera viral sa Tiktok ang bagong dance craze
MULING pinaingay ni Marian Rivera ang mundo ng Tiktok nang mag- upload ito ng bago niyang dance craze.
Naging patok ang paghataw ng sayaw ni Marian.
Pag-upload pa lang ay naka-1.9M views na ito kaya di maialis na maikumpara si Marian sa iba pa na gumagawa ng sayaw.
Bakit di gayahin si Marian na kahit di maglabas ng maselang parte ng katawan ay trending at viral.
Well, well, well… ‘Yun na!