Advertisers

Advertisers

PBA player huli sa shabu sa police checkpoint

0 329

Advertisers

ARESTADO ang isang kilalang basketbolista nang makuhanan ng shabu sa inilatag na police checkpoint sa Lansang, Davao City.

Kinilala ang nadakip na si Charles Justin “CJ” Lazarte, 25 anyos, taga-Purok 3 Kimamon, Santo Tomas, Davao del Norte.

Sa report, nagsasagawa ang mga pulis ng task force checkpoint sa Lansang 6:00 ng umaga nitong Linggo. Nasa light vehicle inspection area si Lazarte nang makuhaan ng isang pakete ng shabu na may timbang na 0.20 gramo at nagkakahalaga ng P3,200.



Kinilalang “bigman slasher” si Lazarte ng San Miguel Beermen ng Philippine Basketball Association (PBA). Nakapaglaro rin siya sa Maharlika Pilipinas Basketball League at sa PBA on Tour Off Season League, PBA 3 on 3, at iniimbitahan din siya sa iba pang liga sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Nakapiit ngayon sa Bunawan Police Station ang PBA player, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.