Advertisers

Advertisers

Pagbabanta sa batikang brodkaster pinaiimbestigahan ng PTFoMS at MPD

0 138

Advertisers

NAKIPAG-UGNAYAN ang Presidential Task Force On Media Security o PTFoMS sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) upang imbestigahan ang pagbabanta laban sa isang beteranong radio journalist na si David Oro.

Ayon sa PTFoMS, humingi ng saklolo sa kanila si Oro nang pagbantaan ang kanyang buhay ng hindi pa kilalang indibidwal sa magkahiwalay na pagkakataon sa nakalipas na dalawang linggo.

Kaugnay nito, hiniling ni PTFoMS Executive Director, Paul M. Gutierrez, kay MPD District Director Brigadier General Andre Dizon na magsagawa ng threat assessment hinggil dito.



Sinabi ni Gutierrez na habang maaga pa para mag-isip tungkol sa motibo habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon na iniutos ni Dizon, itinuturing ang insidente ng task force na seryoso.

Hiniling din niya sa MPD na bigyan si Oro ng seguridad, kung kinakailangan.(Jocelyn Domenden)