Advertisers

Advertisers

OFW sinakal ng amo, kita sa FB live

0 111

Advertisers

NAHULI-CAM sa Facebook live ang pananakit at pananakal ng isang amo sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong.

Kinilala ang biktima na si April Jane Dadula, 28 anyos, ng Poblacion North, Oton, Iloilo.

Hindi muna pinangalanan ang mga amo nitong lalaki na Chinese national at misis nitong Haponesa.

Sa ulat, hinaras si Dadula ng among babae nang magpaalam na magre-resign na ito bilang kasambahay.

Inutusan si Dadula na buksan nito ang kanyang maleta bago umalis, at binuksan niya ito sa harap CCTV, nag-FB live at sa guwardiya upang patunayan na wala siyang ninakaw.

Ayon kay Dadula, bigla na lamang siyang sinugod ng amo niyang babae at sinakal. Wala naman umanong ginawa ang mister nitong Intsik.

Sinabi pa ni Dadula, umalis siya ng bahay dahil sa takot na akusahan pa siya ng pagnanakaw ng kanyang amo.

Ipinaresto ni Dadula ang kanyang amo pero nakalaya rin nang makapagpiyansa.

Inaasikaso na ang pag-uwi ng OFW ng shelter na kanyang tinutuluyan.