Advertisers

Advertisers

Money ban ipatutupad ng Comelec bago ang Bgy. at SK election

0 128

Advertisers

PLANONG magpatupad ang Commission on Elections (Comelec) ng money ban o pagbabawal na magdala ng cash na aabot sa P500,000 o higit pa upang mapigilan ang pamimili ng mga boto sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang pagpapatupad ng money ban ay 5 araw bago ang aktuwal na eleksyon o kasagsagan ng eleksyon.

Nilinaw din ni Garcia na hindi sakop sa money ban ang mga magdadala ng pera na malaking halaga dahil sa kanilang trabaho at negosyo pero kinakailangan munang mapatunayan ito.



Halimbawa rito ang mga cashier at disbursing officer.

Bilang pruweba ay dapat magpresinta ng office-issued identification card o kaya naman ay certificate of employment.

Kaugnay nito, sinabi ni Garcia na nakikipag-ugnayan narin sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas at maging sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa maari rin umano magamit sa pagbili ng mga boto ang E-wallet tulad ng Gcash, Paymaya at iba pang platform. (Mark Obleada)