Advertisers

Advertisers

MAYOR BINAY NILABAG ANG KASUNDUAN KAY VP AT DEPED SEC. SARA

0 125

Advertisers

HANDS-OFF dapat ang Makati City sa Embo Schools kasunod ng ipinalabas na order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, subalit ilang guro ang nag-report ng paglabag ng lungsod sa kautusan.

Ilang guro mula sa mga paaralan ang nagpaabot ng kanilang report ng paglabag ng Makati City sa order ni Duterte kabilang na dito ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School. Ang nasabing school supplies ay pina-deliver sa pamamagitan ng courier service delivery ng Makati.

Ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati City ay tinanggihan ng mga guro dahil batid nitong dapat may kautusan muna mula sa DepEd.



Patuloy parin ang paglalagay ng mga bagong tarpaulin sa Embo schools na nakasaad: “This Property is owned by Makati City”.

Ang General Services Department din ng Makati City ay nagtutungo sa EMBO schools para tignan at i-tag ang properties sa loob ng paaralan.

Matatandaang sa hangarin na maalis ang tensyon sa pagitan ng Makati at Taguig, nagpalabas ng Memorandum No 23-2023 si Vice President Sara Duterte na nag-uutos ilagay sa direct authority ng Department of Education (DepEd) ang 14 public schools na nasa Enlisted Men’s Barrio (EMBO) barangays.

Sa ilalim ng nasabing memorandum, ang DepEd Central Office ang siyang may direct supervision sa management at administration habang hindi pa natatapos ang transition plan para sa paglilipat sa Taguig City ng EMBO schools na kinabibilangan ng Makati Science High School, Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School, at South Cembo Elementary School.

“Hence, in pursuit of protecting the best interest and welfare of our learners, teachers, and non-teaching personnel, the Office of the Secretary shall directly supervise the management and administration of all 14 schools, pending a transition plan, effective immediately,” nakasaad sa memo.



Nakapaloob din sa memo na habang nasa transition period ang lahat ng kilos ng Makati at Taguig LGU ay may pahintulot mula sa DepEd Office of the Secretary.

“During the transition period, all activities to be conducted within the premises of and/or in relation to the subject public schools, including those from the Local Government Units of Makati and Taguig, shall require prior approval from the Office of the Secretary (Osec). Further, the concerned school heads shall directly report and defer to the Office of the Secretary on matters pertaining to the daily operations of the subject public schools,” ayon sa memo.

Sinabi ni DepEd Spokesman, Michael Poa, na kinikilala ng DepEd ang kautusan ng Korte Suprema na nagtatakda na ang EMBO schools ay nasa ilalim ng legal na hurisdiksyon ng Taguig City pero dahil sa hindi nareresolba kung sino ang nagmamay-ari ng school buildings ay kailangan nang bumalangkas ng transition plan.

Una nang sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na dapat bilhin o rentahan ng Taguig ang school buildings kung nais nitong makumpleto ang paglilipat ng EMBO schools sa Taguig.

Kabilang sa reresolbahin ng Transition Committee ay kung sino ang magbabayad ng utilities at security ng mga paaralan gayundin ang iba pang gastusin, subalit habang wala pang pinal na plano ay ang DepEd ang syang aako muna ng operating expenses ng mga apektadong paaralan sa pamamagitan ng kanilang contingency plan.

Una nang sinabi ng Taguig City na suportado nito ang hakbang ng DepEd para sa smooth, orderly at peaceful transition para sa administrasyon ng mga paaaralan patungo sa kanilang lungsod.