Advertisers

Advertisers

AJ TODO NA SA LOVE SCENES SA SYOTANG SI ALJUR

0 187

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ANG “Sugapa” ang ikalawang pelikula na ginawa nina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Una silang nagkasama sa 2021 Vivamax movie na Nerisa. Ayon kay AJ, iba ang sitwasyon nila ni Aljur habang ginagawa nila ang “Sugapa” kumpara nung panahong magkasama sila sa “Nerisa.”
“Sa “Nerisa” po, that time po kasi, magkuya lang naman yung roles namin saka also, magkuya rin naman talaga kami that time.
“Dito naman [sa Sugapa], sa mga love scene, may awkwardness. Actually, hindi naman mawawala yung awkwardness sa lahat ng love scenes, kahit sino ang kasama mo.”
Nakatulong ba ang pagiging magkarelasyon nila ni Aljur para maitawid ang maiinit nilang eksena pero naroon pa rin daw sa kanya ang awkwardness?
Sagot ni AJ; “Medyo naging comfortable lang ako dito kasi si AJ [palayaw ni Aljur] yung partner ko. Also, nandiyan sina Direk Law [Fajardo], yung assistant director namin, gina-guide talaga kami.
Imagine, habang nagla-love scene kami, nandiyan yung direktor, sinisigawan kami. Comfy kami kasi wala nang walls sa amin, sa isa’t isa. Yung feelings namin, nailalabas namin kung ano yung totoo.”
Matatandaang November 2022 pa nang ipalabas ang last film ni AJ na “Us x Her” sa Vivamax kung saan nakasama niya sina Angeli Khang at Kiko Estrada.
Makakasama nina Aljur at AJ sa “Sugapa” sina Art Acuna, Archi Adamos, Lander Vera Perez, Gwen Garci, at marami pang iba.
***
MCCOY DE LEON ‘DI NAGAWA ANG HILING NG PARENTS NA BUMAIT NA SA ‘BATANG QUIAPO’
AYON kay McCoy de Leon, wish ng kanyang parents na bumait na ang karakter sa serye kung saan ay isang kontrabida ang kanyang role. Yon nga lang, habang tumatagal ang tinatakbo ng serye ay tila malabo na na maging ‘mabait’ at pasama pa nang pasama si David, ang karakter ni McCoy. Sa tinatakbo ng istorya ay aagawan pa niya ng identity si Tanggol at magpapanggap siya bilang tunay na anak ni Don Ramon.
Ginagawan din ng iba’t ibang memes ng netizens ang acting part ni McCoy kung saan nagkaroon sila ng confrontation scene ni Lola Tindeng na nauwi sa pagsampal sa kanya ni Cherry Pie Picache.
Kuhang-kuha ng netizens ang nuances ni McCoy at ang pagkunot ng kanyang kilay. Sa totoo lang, nakatatakot na si McCoy kapag in character na siya.
Viral din ang ang post sa Facebook ng netizen na si James Boston tungkol kay David. Caption ni James; “K*ngina neto. Kuhang-kuha inis ko.”
Tinawanan naman ng mga netizen ang post niya na kasalukuyang may mahigit 281,000 reacts.
Sey nga nila, masyado silang nadadala sa acting style ni McCoy, dahilan upang makaramdam sila ng stress.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Saka na ko ulit manonood pag patay na si David.”
“Kaya ako ng preterm labor dahil jan, bayaran mo hospital bill ko david!”
“Ung pagod kana s trabaho tapos pag uwe mo ng bahay ito ung nagbibigay pa sakin ng stress.”
“Pag si David na magsasalita fast forward na baka mabasag kulang yung TV namin na 85 inches.”
“Tumataas dugo ko sa taong tu, buntis pa nman aq” “Makukunan na nga ako sa inis ko Jan e haha.. di pa sya nagsasalita kumukulo na dugo ko David.”
“Kaya nga poh hahaha tlgang kakagigili kung di lng magagalit mga amo q bka nahataw q tv nila s yamot q kay david”
“Monday to friday ako nanggigigil sayo David ”
Samantala, dahil sa pagiging epektibong kontrabida ni McCoy kaya good choice talaga na siya ang inilagay ni Coco to play the role of David sa naturang teleserye.