Advertisers

Advertisers

Mommy Pinty At Daddy Bonoy Tuwang-Tuwa Sa Pagdating Ng 2nd Apo Kina Toni At Direk Paul; 2023 Taon Ni Cool Cat Ash

0 416

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

KITA ang galak sa famous vlogger couple na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga sa pagdating ng kanilang pangalawang apo sa daughter na si Toni Gonzaga at husband na si Direk Paul Soriano. Actually, dahil sa kasabikan nga na makita ang kanilang 2nd apo ay hindi na tinapos nina Mommy Pinty Daddy Bonoy ang kanilang European and Asian Tour kasama ang daughter na si Alex Gonzaga at mister nitong si Councilor Mikee Morada at iba pang entourage. Kasi anytime ng July na kabuwanan nga ni Toni ay manganganak na ito. Pero inabot pa ng August ang panganganak ng famous TV host/actress/vlogger and movie producer kay Baby Paulina Celestine na mas sikat ngayon sa palayaw nitong Polly.
Samantala, according to Mommy Pinty, magiging busy uli si Toni sa kanyang career next year. May mga offer daw pero mahaharap na ito ni Toni sa 2024. At sa palagay raw ni Mommy Pinty ay kuntento at happy na sina Toni at Direk Paul sa pagkakaroon ng dalawang anak na boy and girl.
Si Seve ay cute pagmasdan habang tinitingnan ang kanyang baby sister na si Polly sa hospital. Congrats Toni and Direk Paul.
***
VERY blooming ngayon ang singing career ni Cool Cat Ash na kasalukuyang nasa European Tour nila ng kanyang Mommy Maribel at sister na si Marion Aunor.
Yes, extended ang celebration ng birthday ni Ma’am Maribel at special treat niya ito sa sarili at sa kanyang mga Bebe na sina Marion at Cool Ash after working so hard ng ilang years sa pinapatakbong mga negosyo tulad ng ilang dekada ng Golden Legacy Jobmovers na sobrang in-demand sa abroad.
Going back sa lalong pag-angat ng career ni Cool Cat Ash na masasabi naming taon niya ang 2023. Nag-umpisa ito nang mapili ang tatlong kanta niya para sa official soundtrack ng Prime Video PH Series na “Cattleya Killer” ni Arjo Atayde na DIYOSA NG KASEKSIHAN, MATABA at LOKO. And speaking of Mataba na ni-released noong 2019 ni Cool Cat Ash under Star Music ay lalo pa itong sumikat ngayon.
Yes, dahil sa advocacy nito about body positivity para makaiwas sa body shaming. Aba, yung reels nito sa Star Music na guesting ni Cool Cat Ash last month sa morning show ng NET25 na KADA UMAGA ay umabot na sa over 2 million views and still counting.
Itong bagong single naman niyang “LET YOU GO”, maliban sa pine-play sa mga kilalang mall promotion sa Youtube at Facebook ay hit na sa SPOTIFY at iba pang Music Digital Platforms. Tapos umabot na rin hanggang Germany ang kasikatan ni Cool Cat Ash at ng kanyang LET YOU GO song na relate much maging ang mga foreigner.
Na-interview mismo ni Cool Cat Ash ang mag-asawang Pinay at German habang nasa Prague sila. At sinabi ng mga ito na number one sa Germany ang LET YOU GO. At yes, maliban kay Ma’am Maribel na all-out ang support sa Bebe si Cool Cat Ash, very supportive rin si Marion sa youngest sister niyang ito. Syempre, malayo na rin ang narating ng career ni Marion na mula sa pagiging finalist ang song sa P-Pop Himig Handog ng Star Music at pagkanta ng themesong ng mga blockbuster movies ng Viva Films. May sarili na rin silang music label na WILD DREAM RECORDS. Kumbaga, isa na siyang established recording artist at the same time ay isang ganap na actress.
Part si Marion ng coming Viva movie na “GLIMPSE OF FOREVER,” ni Direk Jason Paul Laxamana. By the way, ilan sa mga narating na bansa sa Europe nina Cool Cat Ash, Mommy Maribel at Ate Marion ay ang Germany at Amsterdam. Marami pang pupuntahang bansa sa Europe ang magmo-Mommy.
***
Reels Sa Facebook Ng Dance Concert Ni Ysabella Orandain With GFORCE Humamig Na Ng Organic Na 54K Views
PATULOY sa pagdami ang fans and supporters ng young film actress and dancer na si Ysabella Orandain na isa sa bida sa film series na “GENIUS TEENS” at coming soon movie na “MENSAHE.”
Ang dance concert naman nila ng co-dancers sa The Theater ng Solaire Hotel last June 18 na “G-FORCE PROJECT 2023 DANCE CONCERT.” Sa Reels ni Ysabella sa kanyang FB Page, as of presstime ay umabot na sa 54K views (still counting). At organic o legit ang views nito sa FB. Dito mo makikita na parami nang parami ang mga humahanga kay Ysabella.
Ang ganda naman kasi ng performance ng magandang youngstar sa dance concert nilang ito kasama ang mga classmates na kapwa dancers niya sa GFORCE plus Teacher Georcelle, and her GFORCE Dancers at ang special guest na si Niana Guerrero na sobrang sikat na media influencer at tiktoker kasama ang little sister na si Natalia. Ipinakilala rin ni Teacher Georcelle sa SRO Concert nilang ito ang tatlo niyang anak na mana sa galing niya sa pagsayaw. Isa sa namataang celebrity na nanood ng said dance concert ay si Pia Guanio. Ipinaabot ni Ysabella ang labis na pasasalamat sa lahat ng nanood sa event na ito at sa suporta ng GFORCE sa kanya. Gayundin sa mga nanood at manonood pa ng iupload niyang Reels para sa kanilang very successful na GFORCE PROJECT 2023 DANCE CONCERT na bonggang-bongga nga ang views.