Advertisers

Advertisers

Pulis pinagnakawan ang kabaro, hagip ng CCTV

0 135

Advertisers

POSIBLENG maharap sa kasong pagnanakaw ang isang aktibong pulis nang pagnakawan nito ang kaniyang kabaro ng pera habang kumukuha ito ng comprehensive exam sa Gymansium ng Post PNPA sa Camp General Mariano N. Castaneda sa Barangay Tartaria, Silang, Cavite.

Personal na nagtungo sa Silang Police ang biktimang si Patrolman Johnnie Estacio, 31 anyos, ng Racho Imperial Homes, Brgy. Tartaria, kasalukuyang naka-assigned sa CSS, GSSD, PNPA Camp General Mariano N. Castaneda; at nagharap ng reklamo laban kay Patrolman Allen C. Cando, 29, ng Brgy. San Juan Aliaga Nueva Ecija, at naka-talaga rin sa CSS, GSSD.

Sa pahayag ng biktima, 9:00 ng umaga ng Agosto 11, nagtungo ito sa PNPA Camp General Mariano N. Castaneda upang mag-take ng comprehensive examination in Criminal Investigation Course. Nag-park siya sa parking lot ng Gymnasium sa loob ng campo, tapat ng opisina kungsaan ito kukuha ng exam Aminado ang biktima na iniwan niya ang kaniyang susi sa motor dahil sa tiwala at nasa loob ito ng kampo.



Pagkatapos niyang mag-take ng exam, pagbalik niya sa motor para kukunin ang kaniyang walle, wala na itong laman.

Halagang P3,400.00 ang nawalang laman ng wallet. Agadsiyang nagtungo sa Academic Group office at humingi ng tulong kay Pat Razon, nag-request na i-review ang CCTV footage kungsaan naka-park ang motorsiklo. At dito nakita si Pat Cando ang kumuha ng kaniyang pera.

Nagsasagawa na ang PNPA investigation section ng imbestigasyon at para masampahan ng criminal complaint si Pat. Cando. (IRINE GASCON)