Advertisers

Advertisers

Pugante ng Bilibid na nahuli, idinetalye ang pagtakas sa loob ng piitan

0 125

Advertisers

NAGKAROON ng re-enactment ang Persons Deprived Of Liberty (PDL) na si Michael Cataroja na matagal nang pinaghahanap ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagtakas nito sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Una rito, nagkaroon narin ng hiwalay na pagdinig ang Senado hinggil sa mga kaso at kontrobersiya sa loob ng NBP.

Ayon sa pamunuan ng BuCor, idinetalye ni Cataroja sa mga miyembro ng Board of Inquiry na binuo ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang kanyang pagkapit sa ilalim ng truck ng basura upang makatakas.



Matatandaan na mahigit isang buwan na nagtatago si Cataroja sa isang lugar sa Angono, Rizal kungsaan doon din siya muling naaresto ng mga awtoridad.

Nakulong si Cataroja sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law.