Advertisers

Advertisers

Pekeng nurse dinukot bagong silang na sanggol sa ospital

0 94

Advertisers

ARESTADO ang isang babae nang magpanggap na nurse, pumasok sa loob ng isang pampublikong ospital at nandukot ng bagong silang na sanggol sa Binangonan, Rizal.

Nangyari ang insidente noong Huwebes, Agosto 17, kaparehong araw na may nag-ulat din sa mga awtoridad tungkol sa isang nawawalang sanggol na dalawang araw pa lamang ipinanganak.

Sa isang CCTV video ng pampublikong ospital, makikitang nakauniporme ang isang babae habang naglalakad sa pasilyo.



Sa isa pang kuha ng CCTV, makikitang ibang damit pang-itaas na ang suot ng babae at may bitbit na itong sanggol.

Sa iba pang kuha ng CCTV, makikita na sumakay ang babae ng tricycle dala-dala ang sanggol.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na hindi tunay na nurse ang babaeng nakaunipormeng nurse.

“Pumunta po siya sa bayan at doon po makikita na noong sumakay po uli siya ng tricycle, iba na ang kaniyang suot. So kung susundan po natin ‘yung events, tatlong beses po siya nagpalit ng sasakyan, ng tricycle, at tatlong beses din po siyang nagpalit ng damit,” sabi ni Police Captain Mariesol Tactaquin, Chief PIO ng PNP Rizal.

Ngunit nakatulong sa nagtanggal ng face mask ng babae sa isa sa mga sinakyan niyang tricycle, kaya agad nagpakalat ng larawan ang mga pulis sa mga kalapit barangay.



Dito na nakilala ng isa sa mga kagawad ang babae, na nadakip madaling araw ng Biyernes.

“Last November, nakaranas po ito ng miscarriage. Ang ating suspek po ay nakunan at hindi niya po pinagtapat sa kaniyang family ‘yung nangyari sa kaniya. Instead nag-pretend siya na still siya ay buntis, hanggang sa naganap na nga po ‘yung incident ng kidnapping,” sabi ni Tactaquin.

Humingi siya ng tawad sa pamilya ng sanggol, dahil nadala siya ng emosyon kaya niya nagawa ang pagdukot.

Na-inquest na nitong Biyernes ang babae na nahaharap sa reklamong kidnapping.

Agad namang naibalik ang sanggol sa kaniyang mga magulang, na tumanggi nang magbigay ng pahayag.