Advertisers
NAGKAKAHALAGA ng P8 million ng shabu ang nasamsam sa isang drug pusher sa buy bust operstion sa Zamboanga City nitong Biyernes.
Kinilala ang nadakip a suspek na si Adus Janaidi Aming, 43 anyos, ng Siasi, Sulu.
Ayon kay Lt Col. Helen Galvez, PRO9 spokesperson, 1:12 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng Drug Enforcement Team ng Zamboanga City Police Station, City Intelligence Unit, City Drug Enforcement Unit, Zamboanga City Police Staion, Zamboanga City Traffic Enforcement Unit, 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, Regional Intelligence Division 9, at Philippine Drug Enforcement Agency-Zamboanga sa Barangay Maasin, Zamboanga City.
Narekober sa suspek ang 2 large heat sealed trasparent plastic sachet ng shabu at 6 medium sized heat sealed transparent sachet na may timbang na 1.3 kilogram, nagkakahalaga ng P8,840,000. .(Mark Obleada)