Mayora Honey, nagpasalamat sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya
Advertisers
TAOS PUSONG nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng nakiramay sa kanya at sa kanyang pamilya sa pagpanaw ng patriyarka ng kanilang pamilya na si dating Vice Mayor Danny Lacuna.
Sa isang pahayag na inilabas ni Mayor Honey, sinabi nito na: “On behalf of the Lacuna family, I would like to send our sincerest gratitude.”
“Words cannot express our heartfelt thanks for the sympathy, love, and prayers you have offered to our family during these difficult times,” dagdag pa ng alkalde.
Ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan ay nagbigay ng kanilang huling paggalang sa namayapang si bise alkalde Lacuna kabilang na ang dating Pangulong Gloria-Macaoagal Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.
Maging si Senator Jinggoy Estrada, kung saan ang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa Asenso Manileno, ay nagtungo sa burol at nakiramay at dito ay ikwinento niya dinalaw sila VM Danny noong sila ay nakakulong sa Camp Crame.
Nangako ang alkalde na itutuloy niya ang legacy ng kanyang ama kung saan unang ang Panginoon sa kahit na ano pa man at hayaan ang Panginoon na siyang gumabay sa pagbibigay ng serbisyo habang siya ay nasa tungkulin bilang alkalde ng Maynila.
Sinabi pa ng alkalde na gagawin ng lahat ng miyembro ng Asenso Manileno na itinatag at inalagaan ng namayapang Vice Mayor, na mapanatili ang partido bilang dominant local party sa lungsod.
Sa ilalim ng pagtimon ni VM Lacuna, ang partido ay nakapagpanalo ng dalawang mayor na sina dating Mayor Isko Moreno at ngayo’y kasalukuyang Mayor Honey Lacuna.
Nagawa rin nitong maipanalo ang lahat ng local elective posts mula sa mayor, vice mayor, congressmen at city councilors. (ANDI GARCIA)