Advertisers

Advertisers

Boarding house, niratrat: 1 patay, 1 kritikal

0 116

Advertisers

PINAGBABARIL ng hindi nakilalang mga salarin ang isang boarding house kungsaan nasa loob ang construction workers at nag-iinuman sa Sitio Kay apas, Barangay Medina Magallanes, Cavite, Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Alvin Cabarles, nasa hustong gulang; habang kritikal si Erwin Dizon, nasa hustong gulang, kapwa construction workers.

Sa ulat, 9:20 ng gabi, masayang nag-iinuman ang mga biktima kasama ang iba pang kasamang construction workers sa kanilang boarding house nang bigla itong pamarilin ng ‘di nakilalang mga salarin na pawang naka-bonnet.



Dead on the spot ang biktima ,habang inoobserbahan ang isa pa. Ligtas naman ang iba pang kainuman ng mga ito.

Patuloy ang isinasagawang follow up investigation ng pulisya, nangangalap ang mga ito ng CCTV footage sa lugar. (IRINE GASCON)