Advertisers
NASAWI ang apat katao kabilang ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang salpukin ng isang truck nang masunog ang gulong nito sa Bacong, Negros Oriental, Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ruel Pascual, 43 anyos; asawa niyang si Analie, 47; anak na si Shelly, 15; at Meliton Blanco, 59.
Nilapatan ng lunas sa ospital ang sugatan na si Wilson Kial, 43.
Naganap ang insidente sa national highway sa Barangay North Poblacion, Bacong, Negros Oriental.
Sakay ang pamilya Pascual sa isang motorcycle na mas kilala sa tawag na “chariot” na minamaneho ni Blanco, habang si Kia ay sakay ng motorsiklo na binabagras ang kahabaan ng highway.
Bigla nalang sinalpok ito ng isang truck, na nakarehistro sa isang New Bian Yek Commerical Inc., na nasa kabilang linya ng kalsada ang kasalubong na motorcycle nang nawalang ng krontol sa manibela ang driver nang masunog ang isang gulong.
Nakaladkad ng truck ang mga biktima at naipit ang mga ito bago bumanga sa isang bahay.
Nasawi noon din ang mga biktima, habang dinala sa hospital si Kial at driver ng truck na nagtamo ng minor injury.
Nasa kustodiya na mga otoridad ang driver ng truck.(Mark Obleada)