Advertisers

Advertisers

Piolo Broso aktor na mula sa PAF, tampok sa ‘Ang Paghilom’ ni Tony Boy

0 474

Advertisers

Ni NOEL ASINAS

OKAY kausap ang indie actor na si Piolo Broso, 27, na na-meet namin recently sa presscon ng Ang Paghilom’, ang film na pinagbidahan ni Tony Boy Dela Rea. Lumabas si Piolo bilang panganay na anak ni Tony Boy sa movie, na isang militar.
Sa totoong buhay si Piolo ay Philippine Air Force serviceman na naka-assign sa Camp Aguinaldo office. Hilig niya ang showbiz noong bata pa siya. Mahilig siyang kumanta, sumayaw at umarte. Kapag may event sa Air Force, madalas siyang parte ng entertainment portion. Minsan kinukuha pa siyang judge sa singing contest.
Kaya nang nabigyan siya ng pagkakataon na lumabas sa pelikulang Ang Paghilom, na under Sine Silang Productions na producers sina Nette dela Rea at Tony Boy, di na nagdalawang isip si Piolo.
“Una’y malapit sa puso ko ang role na isang militar na tumutugis sa mga kalaban ng bayan, ang mga rebelde. Parang natural lang ang pag-arte ko, kasi trabaho ko yan pag naka-assign ako sa field. Nasa dugo ko ang pagiging militar dahil ang ama ko’y nasa service din. Marami akong kamag-anak sa Army, Navy at Air Force din,” pahayag ni Piolo.
Tapos sa aviation school si Piolo ng Aircraft Mechanics bago siya nag-training sa Fernando Air Base, Lipa City, Batangas. Six months siyang nag-training sa Air Force.
May napundar na siyang sariling bahay sa Floridablanca, Pampanga sa almost 10 years sa military service.