Advertisers
NASA P7 million ang nasamsam ng mga awtoridad sa ginawang pagsalakay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pasay City noong August 3 ng taon.
Kabilang rito ang 24,000 pre-registered SIM Cards, 9,000 smartphones, passports, credit cards at mga dokumento mula sa 32 vaults sa SA Rivendell Gaming Corporation.
Ang naturang korporasyon ay umano’y scam hub na nagtatago bilang POGO.
Ayon sa senior technical adviser at liaison officer ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na si Winston John Romero Casio, ang mga nakuhang SIM cards ay hindi pa nabubuksan.
Kaugnay nito ay nakipag-ugnayan narin, aniya, sila sa telecommunication company na involved matapos na gamitin ang kanilang SIM.
Kung maaalala, nagsagawa ng operasyon ang Philippine National Police – CIDG na nagresulta ito sa pagkaka-aresto sa mahigit dalawang libong indibidwal na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking.
Sila umano ay naatasang magsagawa ng mga aktibidad na may kinalamang sa ‘love scam’, illegal gambling at cryptocurrency scams.