Advertisers

Advertisers

Gov’t at private sector target makalikha ng 2.5M trabaho pagsapit ng 2028

0 110

Advertisers

PLANO ng pamahalaan ang paglikha ng mahigit 2 milyong trabaho pagsapit ng 2028, katuwang ang private sector.

Sa isinagawang pulong ng pangulo kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malakanyang, nakasentro ang usapin sa priority sectors na layong maging global payer ang bansa kasabay ng retraining, rescaling at retooling sa mga manggagawa.

Nagsumite ang PSAC kay Pangulong Bongbong Marcos ng kanilang plano o roadmap katuwang ang IT and Businesss Process Association Philippines (IBPAP) kung saan target nitong maging global leader sa digital domain.



Nakapaloob sa plano ang paglikha ng 2.5 milyong dagdag na IT BPM jobs pagsapit ng 2028 na inaasahang magbubukas ng iba pang oportunidad sa iba pang industriya tulad ng pagkain, logistics, real estate, retail at transportasyon.

Kaugnay nito ay naglaan ng alokasyong 4 na bilyong pisong scholarship funds ang Office of the Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs at ang Private Sector Jobs and Skills Corporation ng scholarship para sa training at upskilling ng mga manggagawa sa IT BPM. (Vanz Fernandez)