Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA isang panayam, ibinahagi ng showbiz couple na sina Chito Miranda at Neri Naig ang sikreto ng kanilang pagiging matagumpay sa pagnenegosyo.
Anila, naniniwala raw silang hindi pangmatagalan ang trabaho sa showbiz kaya dapat ay may fallback sila sakaling hindi na sila aktibo sa limelight.
“Lahat ng nabibili po namin, pinag-iipunan talaga din namin. Like, for example, this restaurant, may gig siya. Ako, kunwari may mga endorsement. Iipunin po namin ‘yan,” ani Neri.
Ayon naman kay Chito, hindi madaling proseso ang pagtatagumpay sa negosyo.
Katunayan, minsan daw ay hit and miss ito pero dapat ay marunong ang isang tao kung paano siya didiskarte.
“From our mistakes, nagiging better ‘yung mga decisions namin when it comes to investing,” ayon sa Parokya ni Edgar frontman. “Hanggang umabot sa point na more successes na than mistakes. We are just very smart with our money po talaga,” dugtong niya.
Gayunpaman, marami rin daw silang natutunan sa kanilang mga sablay na desisyon.
“Ang daming sablay din talaga,” pa-throwback ni Chito. “When we get money, the game is how to make more money po.”
Malaking bagay din daw ang pagiging matalino sa pagdedesisyon kung paano hahawakan ang pera kasama na rito ang mga taong pagkakatiwalaan.
“‘Yung mga taong kasama ninyo hindi dapat kayo pagandahan ng kotse,” ani Neri. “Lagi kong sinasabi sa mga ibang nagtatanong sa akin, ‘Tamang inggit…pag nakita ko, ‘Gusto ko niyan,’” dugtong niya.
“Dapat gayahin mo kung paano,” dagdag niya. “Dine-discredit mo ‘yung mga tao like ako, feeling nila dahil ako successful because of Chito. Hindi. Magkaiba pa nga po kami ng pera,” pahabol niya.
“Natuto ako kay Chito, ‘Kung ano yung pera mo, itabi mo ‘yan. Kapag may sobra na, then okay, pwede na,’” giit niya.
Ayon naman kay Chito, ang puhunan niya ay nanggaling sa mga kinita niya sa kanyang gigs sa pagbabanda.
“What I did with my money was instead of spending it, I just invested it and invested it,” sey ni Chito.
Sa kaso naman ni Neri, ang pagkahilig daw niya sa pagluluto ang naging inspirasyon niya para pasukin ang pagluluto.
“Dahil mahilig akong magluto, ‘yung gourmet tuyo dun siya nag-start. Eventually, na-invite na rin ako sa mga bazaar,” pagbabalik-tanaw niya.
Sa ngayon, bukod sa factory, meron na ring mga restaurant ang mag-asawa. May investments din sila sa real property.
Ang isa mga restaurant nila ay matatagpuan sa Tagaytay kung saan dinarayo ang kanilang paboritong bulalo.
Payo naman ni Chito, para mapalago raw ang pera ay hindi kailangang ibuhos lamang ito sa isa.
Malaking bagay daw na may iba pang back-up na negosyo.
“Huwag ninyo isusugal lahat sa isa lang,” payo niya. “Kumbaga sa sampu na ‘yun, kung may mag-fail man na lima, may lima ka naman na iba, totally different,” pagtatapos niya.
Si Chito ang isa sa mga hurado ng pinakabagong reality singing competition na “The Voice Generations” sa GMA-7.