Advertisers

Advertisers

Assistant school principal patay sa salpukan ng minivan at kotse

0 128

Advertisers

NASAWI ang isang assistant school principal at bahagyang nasaktan ang isa pa sa salpukan ng minivan at isang Toyota Hilux sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Huwebes.

Sa pahayag ni Major Christopher Cabugwang, hepe ng Parang Municipal Police, patay agad sa aksidente si Aida Wahao Dirampatin, assistant principal ng Buldon High School sa Buldon, Maguindanao del Norte na siya mismong nagmamaneho ng kanyang kulay blue minivan.

Sugatan naman ang may dala ng pick-up truck na si Ranil Mangumpit Ocampo.



Naganap and aksidente sa isang bahagi ng highway sa Sitio Timbangan, Barangay Sarmiento, Parang.

Galing sa magkabilang direksyon ang sasakyan ni Dirampatin at Ocampo nang magkabangaan sa palikong bahagi ng highway, pahayag ni Cabugwang.