Advertisers

Advertisers

Alden nagtapat sa rason ng yaman at kasikatan

0 132

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISA sa mga judge ng The Voice Generations ang SB19 member na si Stell. Ano ba ang hinahanap ni Stell sa isang contestant o talent?
“As talent naman, alam ko yung feeling na kumportable ako sa taong alam kong magiging kumportable rin akong makasama, lalo na sa isang competition.
“So, kung hinahanap ko is mapuso lang kumanta, and siya, sasabihin niya na ako kaya kong ibigay sa iyo yung mapusong pagkanta, so I think, ikaw yung makakatulong sa akin, kaya ikaw ang pipiliin ko.”
Nais din daw ni Stell ng isang contestant na handang lumabas sa “comfort zone” nito.
“Kasi naniniwala ako na parang ang isang artist kasi, once na kumportable ka na sa kung ano yung strength mo, doon ka mag-i-stay, e. Matatakot kang mag-try kasi alam mo na magpi-fail ka.
“Siguro ang sasabihin ko sa mga magiging future talent na magiging part ng team ko, ‘Huwag kang matatakot magkamali. Parte yan ng pag-grow mo as artist.’
“Hindi lang artist, e. Yung pagiging tao, normal lang magkamali, at sa pagkakamaling yun, doon ka matututo.”
Importante rin daw na ang isang tao ay kayang tumanggap ng pagkakamali.
“Kasi kung alam mo sa sarili mo na nagkamali ka, at tanggap mo kung sino ka buong-buo, spiritually, mentally, magagawa mo yung lahat.
“Kasi alam mo na kung saan ka nagkamali, tatayo ka doon. Alam mo kung saan ka delikado, iiwasan mo yun. Alam mo kung saan ka kumportable, yun yung gagawin mo
“But with the right guide and tamang coaching, masusubaybayan at magpo-prosper pa, manu-nurture pa yung talent na meron siya.
“At yun yung willing kami gawin sa mga future talent namin.”
Mapapanood na ito sa Linggo, August 27.
***
SA kabila ng tagumpay, kasikatan at kayamanan ay hindi nagbabago si Alden Richards, base na rin sa opinyon ng mga taong nakakatrabaho at nakakasalamuha niya.
Kaya tinanong namin si Alden, bakit hindi siya nagbabago, bakit nananatiling nakatuntong ang mga paa niya sa lupa?
“Utang na loob po. Yung utang na loob ko sa mga tao na gumawa para maging… na tinulungan po ako para maging posible yun.
“Yung hindi ko siya nakuha, of course, by myself alone, hindi ko po kine-credit na ako lang lahat ito, e. Hindi.
“Kumbaga itong success ko po is a collective effort of all the people who love me and supported me.
“And I think isa po yun sa mga reason na nagga-ground po sa akin, para hindi… kasi ganun yun e, kapag, feeling ko po kasi, from my point of view lang po ito, opinyon ko lang po, kapag lahat ng bagay, lahat ng mga success mo in-attribute mo sa sarili mo, dun ka yayabang.
“Parang ‘pag… dahil sa akin kaya may ganito, dahil sa akin kaya ganyan, dahil sa akin kaya naging successful ito. So… actually kinikilabutan po ako ‘pag pumapasok sa isip ko na i-credit yung sarili ko.
“Hindi ko kaya. So iyon po yung isa sa mga napangalagaan ko sa sarili ko, yung utang na loob. Napakaimportante, kahit na itong mga taong ‘to hindi humihingi ng kapalit, I think those people are the ones na dapat talagang alagaan sa buhay mo.
“Yung tumutulong ng walang kapalit. Iyon po yung mga dapat inaalagaan. And those people are the ones who are keeping me grounded most of the time.”
Mapapanood sa Sabado, August 26, 8:15 pm ang pangatlong episode ng month-long stint ni Alden sa Magpakailanman sa GMA.
Pinamagatang “The Lost Boy” (sa direksyon ni Irene Villamor) gaganap dito si Alden bilang isang lalaking mapapadpad sa buhay na puno ng krimen na tiyak na magpapakita ng “the other side” ni Alden bilang aktor.