Advertisers

Advertisers

WALANG KASULATAN

0 229

Advertisers

HINDI namin alam kung ano ang pumasok sa isip ng Tsina. Iginigiit nila na ipinangako umano ng Filipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre, ang kalawanging LST, sa Ayungin Shoal. Hindi nila binanggit kung sino ang nangako. Hindi sinabi ng Beijing kung kailan ibinigay ang pangako. Mas lalong walang katibayan o kasulatan ang pangako.

Basta ipinangako, ito ang baluktot na paninindigan ng Tsina. Kahit walang detalye, ipinipilit nila na ibinigay ng Filipinas ang pangako at kailangan pangatawanan ng Filipinas ang naunsiyaming pangako. Masahol pa ito sa pikot. Kulang na lang baril at kanyon upang patunayan na pinipikot ng Tsina ang Filipinas sa pangakong hindi naibigay.

Hindi mahirap isipin na isa ito sa mga pangako ni Gongdi sa kontrobersyal na miting niya kay Xi Jinping noong 2019. Ipinangako ni Gongdi na hahayaan niya ang Tsina na itayo ang mga base militar ng Tsina sa mga kontrobersyal na isla sa West Philippine Sea. Ipinangako ni Gongdi na malayang masasakop ng mga sasakyang pandagat ng Tsina ang ilang bahagi ng WPS at hindi siya aalma. Ang pagkakamali nila ay hindi nila inilagay sa kasulatan ang napagkasunduan.



Alam ni Bongbong Marcos na may kasunduang laway si Gongdi at Xi. Hindi nangiming ipahiya ni BBM si Gongdi nang sabihin niya noong nakaraang linggo na kung may kasunduan silang dalawa, ipinawawalang-bisa niya iyon. Sa madaling salita, hindi niya kinikilala ang kasunduan laway ng dalawa at walang epekto iyon sa relasyon ng dalawang bansa. Hindi mapipilit si BBM na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang kasunduan laway ni Gongdi at Xi ang dahilan kung bakit taeng-tae si Francis Tolentino na sa paghingi niya sa pagsang-ayon ng Senado sa ratipikasyon ng kasunduang laway ng dalawang maton. Mabuti nandoon si Franklin Drilon at kagyat na binaril ang buktot na balak ni Tolentino. Hinapan ni Drilon si Francis ng anumang katibayan ng kasunduan. Nang walang naipakita si Francis, bale wala ang privilege speech ni Tolentino sa Senado.

Walang naipakita si Francis kahit na toilet paper kung saan nakasaad ang mga probisyon ng kasunduan. “Basta magtiwala kay Duterte,” ito ang kabastos-bastusang salita ni Francis sa mga kasamang mambabatas. Hindi pinalusot si Francis ng mga kasama sa Senado. Hindi niya nakuha ang pagsang-ayon ng Senado sa kasunduan laway ni Gongdi at Xi. Nagmukhang tanga si Francis dahil pinagtawanan siya sa kanyang panukala.

Alam ng Beijing na walang bilib ang gobyerno ni Bongbong Marcos kay Gongdi. Alam nila na tatalikuran lang sila ni BBM kung ipipilit ang kasunduan laway ni Gongdi at Xi. Usapang lasing lang iyan, ito ang ipamamarali ni BBM. Alam ng Tsina na hindi katanggap tanggap ang kanilang aso na si Gongdi sa Filipinas.Alam nila na maliit ang tingin kay Gongdi at hindi ito sineseryoso dahil wala itong napatunayan bilang lider ng Filipinas.
*
KUNG kami ang masusunod, gusto namin na tuluyang isara ang Philippine Embassy sa Beijing at pauwiin ang mga taong bumubuo ng diplomatic mission natin doon. Bale wala ang pasuguan natin doon. Wala itong ginagawa upang mapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa kahit sa hinagap. Kung may nakikitang matwid ang gobyerno, magbukas na lang tayo doon ng isang maliit na opisina na hindi nalalayo sa isang trading office.

Ganito na ang takbo ng aming isip matapos bastusin ng Chinese Embassy sa Makati City ang DFA noong Miyerkoles ng umaga. Pilit tumatawag ang tanggapan ni DFA Secretary Enrique Manalo upang ipatawag ang sugo ng Tsina sa tanggapan ni Manalo. Hindi sinagot ng Chinese Embassy ang tawag ng DFA sa kanila. Wala ni gaputok na pakikipagtalastasan sa dalawang hindi nagkakasundong panig.



Nangyari ang hindi dapat mangyari. Si Manalo ang sumugod sa Chinese Embassy sa Makati City upang iharap sa sugo ng Tsina (hindi na namin babanggitin ang pangalan dahil sisikat lang siya ng walang sapat na dahilan) ang note verbale bilang protesta diplomatiko ng Filipinas sa pagbomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard. Hindi namin alam kung ano ang itatawag sa matinding kahihiyan na inabot ng Tsina at sugo sa nangyari.

Hindi pa ito katapusan sa nangyari. Tatlong oras matapos ang pambababoy ng Tsina sa relasyon ng Filipinas, nag-isyu ng pahayag si U.S. Defense Secretary Lloyd Austinna kumokondena sa ginawa ng Tsina sa Coast Guard ng Filipinas. Hindi basta-basta nagpapahayag si Austin kung hindi ito mahalaga sa usapin ng tanggulan bansa ng Estados Unidos. Mistulang haragan ang tingin ng Washington sa Peking.
***
Tutol si Sen. Risa Hontivero na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. May opisyal na pahayag si Hontiveros tungkol dito:

After the indignation expressed by the Department of Foreign Affairs, the PCG, and the AFP against the use of water cannons, China, instead of issuing an apology, asserted her baseless claims and demanded that the Philippines remove BRP Sierra Madre from Ayungin Shoal.

BRP Sierra Madre is a Philippine asset that we have all the right to maintain in Ayungin Shoal. We will never allow anyone to forcibly take that vessel out of our own waters. The sheer arrogance of China is what causes deep instability in the region,” the senator said.

Everything that comes out of China’s mouth should be analyzed carefully by any nation worth their salt. It is so much lies and manipulation. How can we negotiate with Beijing when she acts in bad faith? This is why we must draw up other diplomatic and political ways to stand our ground, including stopping China-funded projects on our shores.
***
MAY paliwanag si Risa tungkol sa ginawa ng Tsina at protesta ng DFA.

That is the not so veiled threat of China. Tingnan lang natin yung pagdadahilan nila. Does that powerful stream of water against a Philippine vessel look like restraint to you? Kung yan ang restraint, hindi ko na alam kung ano pa ang todo bigay no? Baka tsunami na. Was that professional? Hardly. The DFA statement cited no less than four international laws that China’s illegal actions violated at isa narin yung tinatawag na collision regulations ng international maritime organization dahil talagang sumingit sila blinock nila yung isang Philippine vessel na kung hindi umiwas, kung hindi nagpatay ng makina yung Philippine vessel, the Chinese vessel would have rammed the bow of our Philippine vessel. Beyond reproach. Nako, kasisi sisi talaga, utterly reproachable yung actions niya. Almost ramming because they blocked our vessels, subjecting our vessels to that water cannoning, and then seeking to deny the Philippine Navy marines and personnel on BRP Sierra Madre, on Ayungin Shoal, the regular supplies and rotationing. Hindi talaga katanggap-tanggap yung ginawa nila at lalong hindi katanggap-tanggap yung kanilang paliwanag kuno at pagsisinungaling pa.

***

Email:bootsfra@yahoo.com