Advertisers
PAPALO sa 50 Filipino teachers ang nakaligtas sa wildfires sa Maui Island sa Hawaii.
Pahayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, mga J1 visa holders ang mga titser na apektado ng trahedya.
Paliwanag niya na sila ‘yung mga guro na nakapasok sa visa exchange visitor program sa Estados Unidos.
Sinasabing mananatili roon ang mga ito ng dalawa hanggang tatlong taon.
Sa Laging Handa public briefing, binanggit ni Cortes na nasa shelter na ang mga guro at inaalagaan ng gobyerno ng Hawaii at Pilipinas.
Kabilang sa mga maaasahan ng mga biktima ay ang pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan.
Tiniyak naman ni Cortes na handa ang gobyerno na ilikas ang 50 guro sakaling humirit ang mga ito repatriation.
Nabatid sa census ng US nasa 388,000 Filipinos ang kasalukuyang nasa Hawaii na karamihan ay naninirahan at nagtatrabaho doon. (Gilbert Perdez)