Advertisers
Swak sa selda ang tatlong drug suspek nang makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Malabon PNP, Martes ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jonathan Tangonan ang mga suspek na sina Raymond Sabado alyas “Emong”, 23, fish vendor ng Brgy. Longos; Reydan Velasco alyas “Kwatog”, 45, construction worker ng Dagat-Dagtan, Brgy. 14; at Jhonatan Balote alyas “Tantan”, 27, shuttle van driver ng Salmon St., Brgy. 8, ng Caloocan City.
Sa report ni Col. Tangonan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng impormasyon hinggil sa iligal na gawain ni Sabado at Velasco kaya isinailalim nila ang mga ito sa balidasyon.
Nagsagawa ang SDEU ng buy bust operation sa Dr. P. Lascano St. corner P. Aquino St., Brgy. Tugatog na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek nang bentahan ng P500 halaga ng shabu ang buyer, 5:30 ng madaling araw.
Kasama rin dinakip si Balote nang makuhanan ng isang plastic sachet ng shabu na umabot sa 29.55 grams ng shabu na may standard drug price value na P200,940.00.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)