Advertisers

Advertisers

Sino-sino ang mga nag-apruba sa pagkatay sa Manila Bay?

0 162

Advertisers

KUNG sino mang mga opisyal ng gobyerno ang nasa likod o nag-apruba sa pagsira sa magandang tanawin ng Manila bay, siguradong kumamal sila ng bilyones!

Sinasabing 22 reclamation projects ang naaprubahan sa Manila bay. Karamihan sa mga kumpanyang nagsasagawa ng reclamation ay pag-aari ng Chinese government, mayroon pang Chinese construction company na blacklisted sa Washington 3 years ago ang kasali rito.

Nangyari ang pag-apruba sa mga pagtambak sa Manila Bay noong panahon ni ex-President Rody Duterte kungsaan ang kanyang kalihim sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay si Roy Cimatu, isang retired Army general.



Pero kahit si Cimatu ang DENR Secretary noon, wala rin naman siyang magawa kahit labag sa kanyang kalooban kapag ginusto ng mga sakim na nakadikit kay Duterte. Mismo!

Labing walo (18) raw sa Manila Bay reclamation projects ay nabigyan ng Enviromental Compliance Certificate (ECC). Nasa 5,795.4 hectares ang tatambakan dito. Hanep! Mas malaki pa ito sa Lungsod ng Caloocan na 5,333.40 hectares at mayroong 176 barangays at halos 1.7 milyon ang population. Araguy!!!

Ayon sa report ng Business Mirror, ang City of Manila ay mayroong 4 reclamation projects na may ECCs, Navotas City (2), Pasay City (2), at Paranaque (1) sa National Capital Region (NCR); ang isa pang reclamation ay sa pagitan ng Las Pinas at Paranaque; sa Cavite ay 4 sa Bacoor, 1 sa Kawit, 1 sa Noveleta, at 1 sa Rosario.

Hindi basta mabibigyan ng ECCs ang mga kumpanyang magsasagawa ng reclamation sa Manila Bay kung walang maimpluwensiyang nilalang na nagbigay ng ‘go signal’. At sigurado tayong ang taong ito ay dikit sa Pangulo noon.

Yan ang gustong hubaran ni Senador JV Ejercito sa gagawin nilang Senate inquiry. Mangyari kaya?



Say ni Sen. JV, ipatatawag nila ang lahat ng may kinalaman sa mapangahas na reclamation projects na ito. Ehem…

Nagkaroon ng tapang ng loob si JV na tumawag ng Senate inquiry matapos ipatigil ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay, kasunod narin ng panawagan ng US Embassy na nabahala sa presensiya ng napakaraming Chinese ships na nakahimpil sa Manila Bay, at ng pahayag ni Senate President Migz Zubiri at ng ilan pang senador na i-ban ang Chinese companies sa mga government projects sa Pilipinas, kasunod ng pagbomba ng water cannon ng China Coast Guard sa supply boat ng Armed Forces of the Philippine (AFP) sa Ayungin Shoal noong Agosto 5.

Nauna nang hinikayat ni Sen. Risa Hontiveros ang pag-imbestiga sa reclamation projects sa Manila Bay, pero dinedma lang siya noon ng mga kasamahan. Kasi nga ilan sa Senador ay envolved ang kumpanya ng kaanak sa reclamation projects! Boom!

Ang Manila Bay reclamation projects ay isa sa mga tinitingnan na sanhi ng malawakang pagbaha sa Bulacan, Metro Manila hanggang Cavite. Nawala na kasi ang mga sapa at napuno na ng lupa ang mga ilog dahil sa mga pagtambak sa dagat.

Teka, hindi naman siguro mabibigyan ng ECC ang isang kumpanya sa reclamtion project kung walang permit ng local government unit (LGU). Kaya dapat imbestigahan din dito ang mga mayor. Mismo!

Dapat walang sasantuhin sa gagawing imbestigasyon ang Senado.

Subaybayan!