Advertisers
NASAWI ang isang painter nang sumabit ang minamaneho nitong motorsiklo sa gulong ng kanyang nilalagpasan na 10-wheeler truck sa national highway sa Rosario, Batangas, Sabado ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Vener Bool, residente ng Batangas City .
Ayon sa report ng Rosario Police, 4:30 ng hapon nang mag-overtake ang rider sa kanan ng truck na minamaneho ni Cresencio Espiritu, residente ng Tanauan City, subali’t sumabit ang manibela ng motor sa hulihang gulong ng truck.
Nawalan ng kontrol ang biktima at natumba ang motorsiklo. Sa kasamaang palad napailalim sa truck ang biktima at nahagip ito ng kaliwang gulong.