Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush

0 168

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang pagbabarilin sa Barangay Rawis, Calbayog City, Samar noong Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Staff Sergeant Ray Alcazar, 46 anyos, taga-Cebu City pero nakatalaga sa Calbayog City Police Station, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan at ulo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, kagagaling pa lamang ng biktima sa inuman kasama ang mga kaibigan nang pagbabarilin sa Mitsubishi Strada na minamaneho niya.



Nagsasagawa pa ng mga imbestigasyon ang pulisya sa krimen.