Advertisers

Advertisers

Kalsada gumuho sa baha sa Samar

0 114

Advertisers

GUMUHO ang isang bahagi ng kalsada Calbayog City, Samar nitong Linggo sanhi ng malakas na pag-ulan.

Hindi kinaya ng kalsada ang bigat ng tubig na naipon sa gitna nito kaya tuluyan itong bumigay.

Dahil dito, hirap ngayon ang mga residente sa pag-uwi dahil ang nasabing kalsada ang nagkokonekta sa apat na barangay.



Apela ng mga apektadong residente sa mga otoridad, makapagpagawa sana ng mas maayos at ligtas na kalsada.

Binisita na ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang lugar para sa nakatakdang pagsasaayos ng gumuhong kalsada.