Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PAGKATAPOS mag-tweet si Tito Sotto ng “Look! GMA website as of yesterday. Kami talaga!” na kasama sa post niya ang screenshot ng GMA website na hanggang noong August 10, photo pa rin nilang tatlo nina Vic Sotto at Joey de Leon ang nakalagay,inalis na ng GMA Network ang photo ng tatlo.
Ang tanong ng maka-TVJ, bakit ngayon lang inalis ang photo? Two months ago nang wala sa ‘Eat Bulaga’ ang TVJ at ang legit Dabarkads.
Sagot naman ng maka-GMA, baka nakalimutan lang ng in-charge sa pagpalit at pag-update ng website kung sino ang mga larawang aalisin.
***
AYON kay Jake Ejercito, wala siyang kasintahan ngayon. Bukod sa trabaho ay ang pagiging ama sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie ang pinagtutuunan ng panahon ng aktor.
“Kung naghahanap ba ako? As of now, no. My priority is my daughter and my work. With work pa lang and being a father, medyo mahirap na to manage my time lately. I am still trying to get used to it,” sabi ni Jake.
“Of course, being a dad is a full-time job but luckily, given our setup, I have a great co-parent with Andi. So kahit paano, nahahati ‘yung pagiging parent,” paliwanag ni Jake.
Para sa aktor ay sapat na sa kanya na nakakasama at naaalagaan nang personal ang anak sa tuwing may pagkakataon. Ayon kay Jake ay para sa anak ang lahat ng kanyang mga ginagawa ngayon. “Kasi ‘yung setup namin, most of the time she’s with her mom sa Siargao.
So parang sine-schedule na lang namin na kapag hindi ako masyadong busy, that’s when she stays with me. Ellie quite naturally is my number one inspiration. Everything is for her. I am doing this for her,” aniya pa.