Advertisers

Advertisers

Alyssa Solomon tinanghal na best opposite spiker sa SEA V. League sa Thailand

0 161

Advertisers

KAHIT na bokya ang kampanya ng Pilipinas ay hindi uuwi na luhaan na ang batang high-flyer Alyssa Solomon ay inangkin ang best opposite spiker award sa second leg ng 2023 Southeast Asia V.League Linggo sa Chiang Mai, Thailand.

Solomon at iba pang kasama sa youth-laden national women’s volleyball team ay tinapos ang second leg sa 0-3 win-loss rekord, nabigo sa host Thailand, Vietnam at Indonesia.

Chatchu -on Moksri ng powerhouse Thailand ang tinanghal na MVP habang Vi Thi Nhur Quynh ng Vietnam at Ratri Wuland ng Indonesia ang pinuri na best outside spikers.



Arneta Putri Amelian ng Indonesia ang pinarangalan na best setter habang si Piyanut Pannoy ang kinilalang best libero.

Samantala, sina Jarasporn Bundasak ng Thailand at Doan Thi Xuan ng Vietnam ang naguwi ng best middle blocker awards.

Si Solomon ang pangalawang opposite spiker mula sa Pilipinas ang naguwi ng award una si Steven Rotter inangkin ang karangalan sa first at second legs ng men’s division nakaraang buwan.