Advertisers

Advertisers

107 politiko expired mga baril sa Davao

0 137

Advertisers

ABOT sa 107 lokal na opisyal ang nagmamay-ari ng mga baril na expired na ang lisensya sa Davao Region.

Sa isang press briefing ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) Press Corps Southern Mindanao nitong Linggo, sinabi ni PNP Regional Civil Security Unit 11 (RCSU 11) Director, Colonel Richard Verceles, na ito ang lumitaw nang rebyuhin nila ang rekord ng mga politikong nagparehistro ng kanilang baril sa nakalipas na mga taon.

Kabilang, aniya, sa listahan ang 29 punong barangay at 29 kagawad na pulos expired ang mga lisensya sa kanilang baril.



Ayon kay Verceles, patuloy nilang pinaiigting ang kanilang ‘Oplan Katok’ laban sa expired firearms license lalo sa mga elected official sa Davao Region bilang bahagi sa inilalatag nilang seguridad para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa katunayan, personal aniyang pinupuntahan at kinakatok ng mga pulis ang bahay ng mga ito para paalalahanan silang i-renew ang kanilang firearms license at isurender ito habang pinoproseso ang kanilang lisensya.

Idinagdag ni Verceles na nakikipag-usap din sila sa mga lokal na opisyal sa rehiyon na iwasan ang pagmamantine nila ng mga private armed group dahil ito ay iligal.